Habang nasa mesa ako at kakatapos lang naming kumain ng hapunan ni Aling Dilia iyong tumulong sa akin at nagpatuloy sa bahay nila kasama ang kanyang anak na babae na kaedad ko din naman pala pero wala itong trabaho dahil hindi nakapag-tapos ng pag-aaral at kahit gustuhin niyang makapag-tapos ng kanyang pag-aaral wala naman daw silang pera at masyadong malaki ang gastuhin kapag nasa college kana. “Salamat nga po pala ulit sa pagpapatuloy sa akin dito,” nakangiti kung saad habang tinitignan mga bata nitong anak na Magana paring kumakain ng pritong meat loaf at ibang pagkain na dala ko kanina para kainin ko habang nandito ako at masaya naman ako dahil alam kung kahit sa ganito lang nasiyahan sila sa dala ko. Hindi man ako taga bundok pero alam ko ang hirap kapag mahirap kayo na parang isnag

