Chapter 18

1104 Words
Habang nakatingin ako sa pintuan ng mansion parang bumalik sa alaala ko ang mansion ni Rayle sa panaginip ko kung saan sobrang ganda at nakakahumaling tignan isabay mo pa ang humahalimuyak na amoy ng bulaklak doon na kahit sino ay mapapatigil. Mga ilang minuto parin akung nakatayo dito at nasa likod ko naman ang mga tao dito sa baryo at nakatingin sila sa akin at wala sa kanila ang nagtangka na sumama sa akin dito sa loob. Malalim na akung napabuntong hininga at walang lingon-lingon na pumasok sa mansion at mabilis itong sinira at ng tuluyan na akung makapasok biglang gumaan ang aking loob na hindi ko maipaliwag na parang itong pakiramdam na ito ang nararamdaman ko habang kasama ko si Rayle. Kagabi kasi hindi ako nanaginip at sobrang lalim ng tulog ko kahit masyadong magalaw si Aleya ang anak ni Aling Dalia ay hindi ko naramdaman ni anino ni Rayle hindi ko nga makita o maramdaman kagabi kaya nanibago ako. Inaasahan ko kasi na makakasama ko kagabi si Rayle kahit sa panaginip nalang pero hindi ko naman siya nakasama idagdag mo pa ang mansion na ito at ang sinasabi nilang multo na hindi ko alam. Inilibot ko ang paningin ko sa buong mansion pero wala naman akung makitang multo o tao dito at kagaya ng pagpasok ko dito wala namang bago dito at hindi na ako natatakot o ano mang naramdaman dito sa mansion. Humakbang ako ng marahan at dahan-dahan na umakyat sa taas ng mansion at kahit ako mismo rinig na rinig ko ang tunog ng bawat hakbang ko. Hanggang sa makarating ako sa silid kung saan natagpuan ko ang sarili ko noon na nakahiga at sa pagpasok ko kung ano ang pwesto ng mga gamit dito noong umalis ako ganon din ang posisyon nito ngayon mukhang wala namang nagbago maliban nalang sa mga bulaklak ng rosas na hanggang ngayon ay hindi parin nalalanta at humahalimuyak parin ang bango nito sa buong paligid. Dahan-dahan kung pinulot ang rosas at inamoy ito at kaagad na namang bumalik sa alaala ko ang bulaklak sa palasyo ni Rayle lalo na ang bulaklak sa loob ng kanyang palasyo na tinatawag na moonrise hindi ko alam kung bakit iyon ang tawag sa bulaklak na iyon pero nagdududa talaga ako palasyo na iyon lalo pa ng sinabi ni Rayle na may kakaibang nangyayari dito kung kabilugan ng buwan. Kinuha ko ang petals na iyon at hinawakan ng mahigpit at tumingin sa labas ng bintana at doon nakita ko ang mga tao sa baryo na hanggang ngayon ay nandoon parin sila at nakatingin sa mansion at ng mapatingin sila sa gawi ko ngumiti ako sa kanila at kumaway pero parang hindi naman nila ako nakita at kahit anong gawin ko wala akung natanggap na response sa kanila. Don’t tell me hindi nila ako nakikita dito sa itaas kung ganon ano ang nakikita nila? Kaagad naman akung kinabahan at napaurong nalang bigla ng may naramdaman akung malamig na hangin ang yumakap sa akin kaya mas lalo akung napaurong hanggang sa tuluyan na akung mapahiga sa kama at doon mas lalong binalot ng kaba ang puso ko. Mas lalo akung napahiyaw ng bigla nalang dumilim ang paningin ko at doon nakaramdam ako ng parang tela na nakatabon sa mukha ko at isang malambot na kamay ang humawak sa kamay ko hanggang sa balikat ko at ramdam na ramdam ko ang lamig ng kanyang mga hawak. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil inunahan na ako ng takot na hindi ko maipaliwanag dahil sa nanginginig na ako. “Sino ka! Anong gagawin mo sa akin!” malakas kung sigaw pero wala naman akung natanggap na sagot mula sa kanya kundi ang paghawak lang nito sa aking kamay kaya mas lalo lang akung natakot at hindi naman ito nagsasalita o sumasagot sa akin. “Anong kailangan mo sa akin? Sino kaba talaga! Ikaw ba ang tumulong sa akin noon?” sunod-sunod kung tanong sa kanya habang nanginginig ang aking mga labi habang binibigkas ang mga salitang iyon. Pero kagaya kanina wala parin akung natanggap na sagot mula sa kanya. “Parang-awa muna pakawalan muna ako kung sino kaman,” mahina kung saad sa kanya habang nararamdaman ko ang kanyang hininga sa leeg ko dahil nasa unahan ko ito habang nakahiga ako sa kama. Hindi ko alam kung ano ang sunod na nangyari basta naramdaman ko nalang na hinaplos nito ang ulo ko pababa sa aking pisngi. Ito ba ang multo na sinasabi nila sa lugar na ito? Kasi sa tingin ko hindi naman siya multo dahil kamay ng tao ang nakahawak sa akin at kung multo ito malamang kanina niya pa talaga ako nilapa at sinaktan. Ilang sandal pa ang nagdaan at bigla nalang nawala ang piring ko sa aking mga mata at kaagad na nawala ang humahawak sa akin at sa isang iglap mabilis akung napabangon at napatingin sa buong paligid ko pero wala naman akung makitang tao o anong sign na may tao dito kanina iyong humahawak sa akin. Mabilis akung tumayo ng mabilis at tumakbo pababa ng mansion pero sa hagdan palang ako ng may nakita akung libro pero wala naman ito dito kanina habang paakyat ako kaya sigurado ako na may kasama talaga ako dito kanina hindi ko lang makita kung sino. Dahan-dahan ko itong pinulot at hinawakan ng mahigpit at ipinag-patuloy ang paglalakad pababa. Hanggang sa tuluyan na akung makalapit sa pinto at akmang hahawakan kuna ito para buksan ng bigla naman akung napalingon ulit sa mansion at kung may anong bagay akung naiwan sa loob na parang labag sa loob sa akin ang umalis nalang dito basta-basta na hindi ko alam kasi ibat-ibang emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Pero pilit akung tumalikod at buong lakas na hinawakan ang pinto at dahan-dahan itong binuksan hanggang sa makalabas ako at bumungad sa akin ang mukha ng mga taong nanlalaki ang mga mata habang nakatingin sa akin. Ngumiti ako sa kanila habang dahan-dahan na hinahakbang ang paa ko palapit sa kanila na hanggang ngayon hindi mawala ang tingin nila sa akin na parang manghang-mangha na hindi ko alam. Ng tuluyan na akung makalapit sa kanila mabilis akung hinawakan ni Aling Dalia sa kamay at doon bigla nalang akung napayakap sa kanya ng mahigpit. Siguro naniniwala na ako na may multo nga diyan sa mansion na iyan pero ngayong napatunayan ko na ayaw kunang bumalik sa lugar na ito masaya na ako kung ano ako ngayon at kung ano man ang panaginip ko. Hindi ko alalahanin ang sinabi nila tungkol sa mansion na ito dahil kay Rayle palang marami na akung iniisip wala akung pakialam sa multo na nandito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD