Uminom ako ng maraming tubig habang nakaupo sa upuan habang ang mga tao naman na nandito sa San Nicholas ay nasa harapan ko at naghihintay sa kung ano man ang sasabihin ko. Wala naman akung sasabihin sa kanila dahil hindi naman siguro ganon ka bigdeal ang nangyari sa akin sa loob pero alam kung malaking bagay na iyon para sa kanila. “Ayos ka lang ba iha?” mabilis na tanong nito sa akin at hinawakan ang kamay ko kaya kaagad naman akung napangiti sa kanila upang ipaalam na ayos lang naman ako pero ang totoo nandito parin sa puso ko ang kaba. “Talagang makakalabas ka nga talaga ng mansion na iyon kung gugustuhin mo,” saad na naman sa akin ni Aling Dalia habang nasa tabi nito ang kanyang mga kaibigan at naghihintay sa kung ano man ang sasabihin ko. “Hindi naman po mahirap lumabas doon kag

