Nakadapa ako sa mesa ko habang hinihigaan ang mga papers na kailangan kung ayusin dahil bukas aalis na naman ako at may pupuntahan kaming isla upang samahan ang mga tourist na libutin ang isla dahil nga kilala ang islang iyon sa pagiging maganda at malinaw ang buong paligid. Hindi ko alam pero parang wala akung ganang gumalaw o gumawa ng mga trabaho ko paano ba naman hindi na ako nanaginip kay Rayle isang araw na ang nagdaan. Bumalik na ako sa trabaho ko pero kahit anong tulog ko wala na akung panaginip tungkol kay Rayle o sa magandang palasyo niya at sa hindi malamang dahilan doon ako nalulungkot na hindi ko alam basta ang alam ko hinahanap ng sarili ko ang presensiya ni Rayle. Hindi ko naman kung bakit ako nasasaktan kahit na panaginip lang ang lahat ng iyon pero kakaibang sakit naman a

