Umagang-umaga pero nakatulala ako sa labas ng bintana at hindi ko alam kung ilang oras o minuto na ako nakatulala dito. Paano ba naman simula ng gumising ako walang ibang laman ang utak ko kundi ang panaginip ko naman ka gabi at halos mabaliw na ako sa kakaisip kung paano ito nangyari pero wala naman akung mahanap na sagot sa mga tanong na nasa utak ko. Nagtagal kami ni Rayle doon sa gubat habang nakahiga siya sa akin at hindi nagtagal bigla nalang niyang hinawakan ang kamay ko at nagwika na sa susunod ulit na pagkikita naming at sa isang nagising nalang ako at bumalik na naman ako sa reyalidad. Tinignan ko nga nang orasan ko at malapit ng mag alas-otso ng umaga. Hindi ko alam kung baliw ba ako o sadyang tanga lang talaga ako na iniisip ko ang panaginip ko lalo na si Rayle at ang mga pi

