Habang nakasunod ako kay Rayle at hawak-hawak niya ang kamay ko habang naglalakad kami hindi ko maiwasang mapatingin sa kanyang likod at kung paano ito kumilos na sobrang pulido at sigurado. Malayo palang kami pero rinig na rinig kuna ang agos ng tubig na hindi ko alam kung saan nagmumula pero alam kung mataas ang pinagmumulan ng tubig na iyon kaya ganon na lamang ka lakas ang tunog ng tubig. Tahimik lang kaming naglalakad ni Rayle hanggang sa matanaw na naming ang umaagos na tubig at tama nga ako dahil mataas ang pinagmulan nito at sobrang linaw naman ng paligid. Inilibot ko ang tingin ko kung saan marami din ditong paru-paro at ang ganda ng huni ng mga ibon isabay mo pa ang malamig na simoy ng hangin. Dahan-dahan na nilingon ako ni Rayle at binitiwan ang kamay ko kaya malaya akung naka

