Chapter 23

2989 Words
Habang nakatingin ako kay Rayle na nakaluhod sa harapan ko hindi ko alam ang sasabihin ko dahil sa kanyang sinabi na labis na nagbigay sa akin ng matinding gulat kasi pakiramdam ko parang pinaglaruan ako at niloko dahil totoo pala siya pero paano? Paano naging totoo ang lahat ng ito dahil mukhang imposible naman kagaya ng palaging nasa isip ko pero ngayon sasabihin niya sa akin na totoo siya at siya ang dahilan ng lahat ng ito at siya ang may gawa ng lahat-lahat ng aking panaginip? “Alam kung nabigla kita sa sinabi ko Kleyton pero makinig ka muna sa akin please,” mahinang saad ni Rayle habang hinahawakan ako sa kamay ng sobrang higpit. “Hayaan mo akung ipaliwanag ang lahat-lahat sayo Kleyton please,” mabilis kung iniwas ang tingin ko sa kanya at dahan-dahan na binawi ang kamay ko at kaagad na napatayo hindi ko naman kasi alam ang gagawin ko ngayon hindi ko alam ang sasabihin ko. Kitang-kita ko ang sakit sa kanyang mga mata ng dahan-dahan kung kinuha ang kamay niyang nakahawak sa akin. “Hindi ko maintindihan ang lahat ng ito Rayle kasi parang ayaw tanggapin ng puso ko at isipan kuna totoo ang lahat ng ito dahil buong akala ko laman lamang ito ng isipan ko tapos malalaman ko totoo pala ang lahat ng ito? Paano naging totoo ito dahil panaginip ko lang naman ito Rayle! Huwag mo naman akung lukuhin dahil hindi nakakatawa hindi mo alam kung ano na ang pumapasok sa utak ko dahil lang sa panaginip na ito na halos mabaliw na ako at iba na ang tingin sa akin ng ibang tao tapos sasabihin muna totoo ka? Totoo ang lahat ng ito? Para akung tanga sa kakaisip na bakit ito nangyayari sa akin tapos ito lang!” hindi kuna napigilan ang sarili ko at napalakas na ang aking boses kaya mas lalong nakita ko ang takot sa mga mata ni Rayle habang nakatingin sa akin. Ayaw kung magalit sa kanya at ayaw ko din naman makaramdam ng galit pero hindi ko lang mapigilan ang emosyon ko ngayon lalo pa at nagulat naman talaga ako sa sinabi niya kanina, sino ba naman kasi ang hindi magugulat kung sasabihin sayo na totoo ang lahat ng panaginip mo. Malalim akung napabuntong hininga at mabilis na tumayo at tinalikuran si Rayle at kaagad na tumayo hanggang sa makarating ako sa bulaklak na nasa gitna ng kanyang palasyo na tinatawag niyang moonrise. Tinignan ko ang bulaklak at napahilamos sa mukha ko dahil mas lalo lang akung naguluhan kung saan tanggap kuna sana na panaginip lang ang lahat ng ito pero ngayon sasabihin niya sa akin na totoo pala ito lahat-lahat at hindi lang basta-basta panaginip. “Kleyton please,” punong-puno ng pagmama-kaawa ang boses ni Rayle habang nakasunod siya sa akin at tumayo sa harapan ko habang nagsusumamo ang kanyang mukha at parang hahawakan ako sa kamay o hindi. “Alam kung mali ang ginawa kung pagtago sayo nito pero hayaan mo naman akung ipaliwanag sayo ang lahat ng ito dahil kahit ako nahihirapan nadin sa mga nangyayari,” pagak akung napatawa sa kanya at dahan-dahan na umurong pero hindi ko naman masasabihan ang puso ko dahil may kirot akung naramdaman ng biglang lumayo ako kay Rayle. “Tama ang narinig muna hindi ito nagkataon dahil ako ang may gawa ng lahat ng ito dahil kung ano man ang naging laman ng panaginip mo totoo ang lahat-lahat ng ito,” hindi ko napigilan ang luha ko at kusa nalang tumulo dahil sa sakit na nararamdaman ko. Hindi ko na napigilan si Rayle ng bigla niya nalang pinahid ang luha ko at niyakap ako ng mahigpit at kahit anong palag ko hindi niya talaga ako hinayaan na maka-alis sa kanyang pagkakayakap. Mas lalo nalang akung napaiyak kahit hindi ko naman alam kung ano talaga ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito kasi pakiramdam ko niluko ako at pinaikot-ikot sa kamay ng ibang tao habang ako naman itong tanga na naging masaya nalang at hindi alintana ang ginagawa nila sa akin. Masaya ba silang nakikita akung nasasaktan dahil naging masaya ako sa kagaguhan niya? Kasalanan ko naman dahil hinayaan ko ang sarili kuna maging masaya kahit sa panaginip lang. “Rayle bitawan mo ako,” malamig kung saad sa kanya pero mas lalo nga lang niyang hinigpitan ang pagyakap sa akin. “Gusto ko ng umalis kaya hayaan mo muna ako,” sunod-sunod ang kanyang pag-iling sa akin habang nakayap parin siya sa akin habang ako naman tinatanggap pa ng utak ko ang lahat ng ito gusto kung mag-isip ng maayos pero kapag nandito ako nagiging marupok ako kapag kasama ko si Rayle at kapag nakikita ko siya. “Parang ayaw tanggapin ng utak ko ang lahat-lahat ng ito kasi buong akala ko panaginip ko lang ito at hinayaan ko naman ang sarili kuna maging masaya dito pero ang kabilang isipan ko naman ay nagsasabi na bunga lang ito ng imahinasyon ko kaya huwag akung maniwala dahil baka mas lalo lang akung masaktan at hindi ko alam kung saan ko pupulutin ang sarili ko kapag nagkataon. Kung sayo madali lang ito sa akin hindi dahil sino ba ang maniniwala na ang panaginip ko ay totoo pala?” ramdam na ramdam ko ang malalim na hininga ni Rayle sa leeg ko habang sinasabi ko ang mga salitang iyon. “Hayaan mo lang akung ipaliwanag sayo ang lahat ng ito Kleyton bigyan mo lang ako ng kaunting panahon para sabihin sayo ang totoo pero ngayon sapat na muna na malaman mong totoo ako at hindi ako basta-basta bunga ng panaginip mo,” gusto kung sampalin si Rayle pero alam ko naman sa sarili kuna hindi ko kaya masyado na akung malapit sa kanya para saktan ko siya. Oo, nasaktan ako sa ginawa niya pero hindi naman ako ganon kasama para hindi masaktan dahil kagaya ng sinabi ko naging malapit nadin ako kay Rayle. Bakit kailangan ko pa siyang bigyan ng kaunting panahon dahil maraming oras na siyang sinayang at marami na siyang oras para sabihin sa akin ang lahat ng ito pero nagmumukhang tanga naman ako habang hindi niya sa akin sinasabi ang totoo. Sana noon palang sinabi na niya sa akin ang lahat ng ito mas mabuti ng magulat ako kaysa sa naging tanga pa ako at napag-kamalan na buntis dahil palagi akung inaantok dahil pala sa kanya iyon at kung totoo nga ito paano nangyari ang ganito. Paano nagawa ni Rayle ang ganitong bagay at saan siya nanggaling ng dahil sa kanyang sinabi mas lalo lang talaga akung naguguluhan na hindi ko alam. Buong lakas akung kumalas sa kanyang pagkakayakap at kaagad na sunod-sunod naumiling sa kanya. Hahayaan ko pa siyang paikutin na naman ako? Hahayaan kuna naman siyang lukuhin ako? Halos mabaliw na ako dahil sa panaginip ko tapos malalaman kuna totoo pala ang lahat ng ito? Pinahid ko ang luha ko habang nakatingin kay Rayle at basang-basa ko ang sakit sa kanyang mga mata kaya mabilis naman akung napaiwas. “Kung ayaw moa kung umalis pwes hinding-hindi mo ako mapipigilan,” hindi kuna hinintay ang magiging sagot nito at kaagad na akung tumakbo ng mabilis palabas sa palasyo at kaagad ko namang narinig ang pagtawag nito sa akin pero hindi ako lumingon at nagpatuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa maka-abot ako sa burol sa kabilang bahagi ng palasyo at halos mapalula ako ng makita ang dulo nito kung saan isang malapad na kakahuyan na parang isang hunted forest dahil puro patay na kahoy ang nandoon at nagdidilim din ang parte na doon. Napalingon ako sa likuran ko kung saan mabilis na sumakay si Rayle sa kanyang kabayo at balak akung sundan kaya walang alinlangan akung tumakbo doon sa kagubatan na parang hunted forest kahit na may takot pa sa aking puso hindi kuna iyon pinansin at ang nasa utak ko nalang ay ang makatakas kay Rayle at magising ako pero mukhang si Rayle lang din ang may kakayahan para gumising ako at hindi ko naman alam kung anong klaseng nilalang si Rayle. Mabilis akung tumakbo habang hindi alintana ang mga putik na madadaanan ko hanggang sa may nakita akung maputik na daan at wala na akung pwedeng daanan kaya doon na ako dumaan habang nililingon si Rayle na sinisigaw ang pangalan ko at bilis din ng takbo ng kanyang kabayo at hindi ko alam kung paano ko nadaanan ang mahabang putikan na iyon hanggang sa tuluyan na akung makapasok sa kagubatan. Kaagad akung napaigtad ng may nagsiliparan na uwak kung saan malayong-malayo sa palasyo ni Rayle na halos bulaklak ang makikita mo doon habang dito naman parang nasa isang horror movie ka lang dahil sobrang nakakatakot ang lugar na ito ang tataas pa naman ng mga kahoy dito na wala ng dahon at ang mga damo naman dito ay ang tataas at mabilis kang magagalusan. Napahawak ako sa kamay ko ng nasugatan nga ito ng damo at kaagad na tumulo ang dugo dito kaya napamura naman ako sa aking isipan. Paano na ako ngayon magiging? Nasugatan na nga ako pero hindi naman ako nagiging sino ang mag-aakala na panaginip ko lang pala ang lahat ng ito pero tangina totoo pala! Ipinag-patuloy ko ang paglalakad ko at ng lumingon ako sa aking likuran hindi kuna makita si Rayle malamang mahihirapan ang kabayo niya na lakarin ang maputik na daan na iyon tapos ang paa ko naman hindi kuna alam kung anong itsura na ng paa ko. Ipinagpatuloy ko ang paglalakad ko hanggang sa mapatingin ako sa paa kuna may sugat dahil sa matalim na naapakan ko kaya kaagad naman akung napaupo sa ugat ng kahoy ng may nakita akung maliit na bahay sa dulo kaya tumayo nalang ako at dahan-dahan na pumasok doon sa bahay na sira-sira at mukhang isang sipa mo lang matutumba na. Ng tuluyan na akung makapasok kaagad akung napatingin sa upuan kung saan gumagalaw pa ito at mukhang may tao dito kaya mas lalong binalot ng kaba ang buong puso ko. Akmang lalabas ako ng bahay may narinig akung mga yapak kaya mabilis akung nagtago sa pinto dahil baka si Rayle ito, bakit ba naman kasi ako pumasok dito! “Amoy tao dito pagkain na sana iyon pero nandito Hari,” mas lalong nanlaki ang mata ko ng mapag-tanto na hindi iyon boses ni Rayle boses ng isang nilalang na mukhang binaon sa lupa at ng tuluyan na itong makapasok sa bahay literal na napatakip ako sa bunganga ko dahil parang isang halimaw ang nasa harapan ko dahil sa taglay nitong kapangitan. Malaki ang ulo nito at malalaki nag tenga habang naglalakad na parang palaka at may mga dugo sa kanilang katawan at may mga dala na buto ng mga hayop at amoy na amoy kuna ang malansang amoy nila. Binalot ng kaba ang buong puso ko habang mahigpit na tinatakpan ang bibig ko sa tanang buhay ko hindi ako makapaniwala na makakakita ako ng ganitong nilalang bakit anong klaseng nilalang ba ang lintik na ito. Malamang bahay nila ang pinasok ko ngayon at kapag nakita nila ako dito baka papatayin na nila ako at hindi na ako magising. Mas lalong binalot ng kaba ang buong puso ko dahil nakita ko naman ang isa na may dalang patay na usa at ang mas lalong nagpagulat sa akin ay ang kinakain nito ang paa ng usa kung saan bulok na naman ito pero patuloy niya paring kinakain. Gusto kung masuka pero buong tapang kung pinigilan ang bunganga kuna huwag mapasuka dahil sa nakita ko. Ikaw ba naman ang makakita ng ganitong eksena kung saan kinakain nila ang patay na usa. “Ang bango ng kanyang dugo at alam kung nandito lang siya pero nakita ko kanina ang kabayo ng Hari kaya malamang nawawala ang tao dito at kapag nakita natin huwag na nating ibalik sa Hari at tayo nalang ang kumain sa kanya para tuluyan ng mawala sa landas natin ang Hari na iyon!” nanginginig ang buong katawan ko habang nakatingin sa kanila habang nakatakip ako sa aking labi. Kaunting galaw o ingay lang ang magawa ko baka patayin na talaga nila ako hindi ako tanga para hindi malaman na ang tinutukoy nila ay ako at ang Hari ay walang iba kundi si Rayle. Hindi ko naman lubos maisip na may ganito palang nilalang dito sa mundo na ito at kagaya ng sinabi ni Rayle totoo siya at ang mundo na ito pero saang lugar at lupalop ng mundo naman ito. Sa pagkaka-alam ko wala namang ganitong nilalang sa mundo na mukhang mga halimaw at kumain ng ganito kahit na tao ata kakainin ng mga halimaw na ito. Muli ko silang tinignan at ng makita ko silang tumalikod at pumunta sa likurang parte ng kubo mabilis akung lumabas sa pinagtataguan ko at humakbang ng bigla nalang tumunog ang inapakan ko na naging dahilan para mapatingin sila sa akin at mas lalong humabog ng malakas ng malakas ang puso ko ng umilaw ang kanilang mga mata at dahan-dahan na binaba ang kanilang mga dala at lumabas ang kanilang mga dila habang nakatingin sa akin. Napakuyom ako ng aking kamao at buong tapang na tumakbo palabas ng makarinig ako ng malakas na alulong mula sa kubo na sigurado kung sila ang may gawa kaya nagsiliparan naman ang mga uwak at ng umikot ako sa kanilang kubo halos masuka ako ng makita ang ilang bangkay ng mga hayop na kinakain ng mga uwak at punong-puno ng mga uod pero mabilis akung tumalikod at tumakbo lalo palayo habang hinahabol ako ng dalawang nilalang na nasa kubo at may dala na silang matatalim na bagay. Hindi kuna alam ang gagawin ko parang tatalon ang puso ko habang mabilis na tumatakbo pero hindi naman ako pwedeng tumigil dahil baka kapag ako naabutan nila baka sobra pasa saksak ang makuha ko at balatan na talaga nila ako ng buhay. Akmang tatalon ako sa mataas na ugat ng biglang may sumangga sa paa ko kaya hindi ako nakatalon at nadapa na ako ng tuluyan sa ugat. Napadaing ako sa sakit ng pagkakadapa ko pero mas nagulat ako ng hawakan ko ang ulo ko masaganang dugo na ang lumabas dito at akmang tatakbo na naman ako ng may narinig na akung tawa sa likod ko kaya mabilis akung napatingin doon at bumungad sa akin ang mukha ng mga nilalang na nakita ko doon sa kubo at nakangisi sila sa akin habang mahahaba ang kanilang mga ngipin at punong-puno pa ito ng mga dugo. “Sino ang mag-aakala na ang swerte pala naming ngayon at nandoon kappa talaga sa bahay naming,” nakangising saad ng isa iyong kumakain kanina ng bulok na isa habang ang isa naman ay nakalabas ang kanyang dila habang nakataas pa ang kanyang matalim na bagay. “Sino kayo! Lumayo kayo sa akin!” kahit naka sigaw ako ramdam na ramdam ko parin ang takot sa boses ko sino ba naman ang hindi matatakot sa kanila? “Hindi ko kayo kilala kaya umalis na kayo sa harapan ko!” kahit ano pa ang sabihin ko alam kung hindi nila ako titigilan lalo pa at ang tingin talaga nila sa akin ay isang pagkain. Nanginginig pa ang buong katawan ko habang nakahawak ako sa ulo ko at umaagos nag dugo dito. “Hindi nga ako nagkakamali dahil siya ang naamoy ko kanina na tao dito at mukhang hindi niya kasama ang Hari,” dahan-dahan na lumapit sa akin ang isa kaya kinuha ko ang isang kahoy at binato dito pero walang alinlangan niya itong sinalo at basta nalang tinapon sa kung saan. “Siya ang magiging ulam natin sa loob ng ilang araw mukhang napabayaan naman siya ng Hari siguro hindi siya ang Reyna kaya tinapon nalang siya dito,” mabilis itong tumalon sa harapan ko kaya bigla akung natumba at paupo na napaurong. Umurong ako ng umurong pero bumangga lang ang likod ko sa kahoy at doon naramdaman ko ang dulo ng kanyang patalim na nasa leeg kuna at kaunting galaw ko lang matutuhog na ako. “Hindi naman hahayaan ng Hari na mapunta dito ang kanyang Reyna pero siya mukhang hinayaan ng Hari,” sa hindi malamang dahilan bigla nalang pumasok sa utak ko si Rayle at sunod-sunod na tumulo ang aking luha dahil sa kanilang ginawa. Wala akung ibang maaasahan ngayon kundi Rayle dahil kapag pinatay ako ng mga hayop na ito hindi kuna alam ang mangyayari sa akin. “Layuan mo ako!” malakas kung sigaw at tangka itong sisipain pero mabilis lang ako nitong sinugatan sa pisngi kaya naiwan ang ibang dugo ko sa kanyang patalim na kaagad naman niyang dinilaan habang ako naman ay napahawak sa pisngi ko na may sugat. Biglang nanindig ang balahibo ko sa kanyang ginawa pero ano ba ang magagawa ko dahil mukhang wala naman akung laban sa kanila at dalawa pa sila. Tanging hikbi at iyak nalang ang magagawa ko ngayon at isipin na sana dumating si Rayle at kunin ako dito pero mukhang bangkay na ako bago pa niya ako makita dahil habang segundo ang lumilipas nawawala na ang buhay ko. Mahigpit akung napahawak sa pisngi ko habang itinataas ng halimaw ang kanyang patalim ng bigla nalang nahulog ang kanyang ulo sa harapan ko kaya kaagad na umagos ang kanyang dugo sa harapan ko at pati ako natalsikan ng kanyang dugo pero ako nanatiling nakatulala sa ulo nito sa lupa kung saan bumagsak ang katawan nito sa tabi ng ulo habang ang isa naman niyang kasamahan ay tatakbo sana ng bigla ding tumilapon ang ulo nito sa dulo na parang hangin lang ang dumaan at naputol ang kanilang mga ulo. Nanatiling nakatulala ako sa kawalan ng bigla nalang sumulpot sa harapan ko si Rayle na may hawak na espada na may dugo at kaagad na lumapit sa akin at kaagad akung dinaluhan at hinawakan sa kamay sabay tingin deritso sa mga mata ko. Marahan nitong pinahid ang luha at dugo ko sa mukha ko hanggang sa sunod-sunod na mura ang narinig ko mula sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD