Chapter 24

1075 Words
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko habang nasa harapan ko si Rayle at ginagamot ako lalong-lalo na ang sugat ko sa noo at pisngi pero ako hindi parin matanggap ng isipan ko ang nakita ko kanina lalo na ang balak nila sa akin. Binigyan ako ng damit ni Rayle at damit niya pa talaga ito para siyang isang polo pero parang kakaiba naman ang kanyang tela nito kasi sobrang lambot at ang gaan sa pakiramdam. Pero mas nagimbal ako sa naging kapalaran ko kanina kung hindi dumating si Rayle malamang naging hapunan na ako ng mga hayop na iyon. Ikaw ba naman ang makakakita ng ganong nilalang na kahit sa tanang buhay mo hindi mo pa nakikita kahit sabihin pa nating sa panaginip lang ito pero kagaya nga ng sabi ni Rayle totoo ang lahat ng ito. Naramdam kung tapos na ni Rayle na gamutin ang mga sugat ko at hindi ko alam kung ano ang ginamot niya sa akin pero malamig ito sa sugat at nanatiling nakatingin ako sa kanya habang siya naman ay walang imik habang nililigpit ang kanyang mga ginamit. Hanggang sa tuluyan ng umalis si Rayle sa harapan ko para siguro ibalik ang kanyang ginamit ako habang ako naman ay inilibot ko ang paningin ko sa buong paligid at sobrang laki naman ng silid na ito at alam kung ito ang silid ni Rayle. Kanina kitang-kita ko ang galit sa mga mata ni Rayle ng tuluyan na niyang mapatay ang mga halimaw na iyon at bigla siyang lumapit sa akin at hinawakan ako sa mukha habang punong-puno ng pag-alala ang kanyang mukha at kaagad na tinignan ang aking mga sugat. Hindi ko lubos akalain na ganon ka bilis at kalakas si Rayle nasa isang iglap lang magagawa niya ang bagay na iyon na hindi nga nasundan ng mata ko ang kanyang galaw. “May masakit paba sayo?” tanong sa akin ni Rayle at mabilis naman akung napalingon sa kanya at bumungad sa akin si Rayle na seryoso ang mukha habang nakatingin sa akin. “Kung hindi ako dumating baka kung ano na ang nangyari sayo at talagang hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may ginawa silang masama sayo,” dahan-dahan na hinawakan ni Rayle ang kamay ko sabay mariin akung niyakap ng mahigpit at dahil sa kanyang ginawa mas nakaramdam pa ako ng matinding takot habang bumabalik na naman sa isipan ko ang mga nangyari. Sa hindi malamang dahilan napayakap naman ako sa kanya at binaon ang ulo ko sa kanyang dibdib habang pinipigilan ang luhang gusting kumawala sa mga mata ko. “Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko Rayle dahil sa tuwing iisipin ko ang pangyayaring iyon nababalot ng kaba ang buong puso kuna hindi ko alam,” biglang hinimas ni Rayle ang likuran ko at hinawakan ang likod ng ulo ko habang sinusubukan ang aluhin. “Ng sinabi mo sa akin na totoo ang lahat ng ito mas lalo akung natakot dahil kapag napatay nila ako hindi ko alam kung ano ang kahihinatnan ko,” biglang kumalas sa pagkakayakap ko si Rayle at mariin akung tinignan sa mga mata sabay hawak sa pisngi ko. “Iyon ang hinding-hindi mangyayari Kleyton dahil habang nandito ako babantayan kita masasaktan kaman pero hindi ako papayag na mawala ka sa akin alam mo ba iyon? Gagawin ko lahat para kunin at bawiin ka sa mga nilalang na gustong kumuha sayo,” dahan-dahan akung napapikit ng mariing hinalikan ni Rayle ang noo ko habang ako naman ay hindi na alam ang dapat gawin. “Anong klaseng nilalang sila Rayle? At kung totoong mundo mna ito paano at saan at bakit ganito dito? Walang ganitong mundo Rayle sa ilang taon ko sa trabaho ko wala akung nabalitaan na may ganitong mundo at ganong nilalang siguro sa mga napanuod ko meron pa pero sa totoong buhay wala akung alam na ganito,” sunod-sunod kung saad kay Rayle at dahan-dahan na kinuha ang kanyang kamay na nakahawak sa akin at mabilis akung naupo muli sa kama habang hawak-hawak ang binti ko dahil pakiramdam ko matutumba ako dahil sa mga nalaman ko. “Mga goblin sila,” mas lalong nanlaki ang aking mga mata dahil sa sinabi ni Rayle at hindi ko alam ang sasabihin ko ng sinabi niyang Goblin iyon. Hindi pumasok sa isip ko na mga goblin pala iyon kasi ibang mukha ng goblin ang nasa utak ko tangina! “Mga ordinaryonng nilalang lang sila dito pero doon mo lang sila makikita sa black forest dahil hindi naman sila nakakapasok dito sa palasyo nandoon lang sila sa madilim na parte kasama na ang ibang nilalang na mas malakas at mas nakakatakot,” don’t tell me marami pang ibang nilalang dito na kahit sa panaginip ko hindi ko nakita at dito ko lang makikita. “Kapag nasaktan ka nila at napatay dito sa mundong ito kung saan sa panaginip mo habang buhay ka ng makakatulog sa mundo niyo at hinding-hindi kana magiging pero hindi ko naman hahayaan na mangyari iyon,” mas lalong binalot ng kaba ang buong puso ko habang naririnig nag sinabi ni Rayle. “Ano ba kasi ang mundong ito Rayle? Bakit ganito? Bakit ako nandito at bakit totoo ang panaginip ko? Alam mo bang hindi kuna maintindihan ang lahat ng ito kaya sabihin mo naman sa akin dahil halos mabaliw na ako sa kakaisip sa mga nangyayari sa buhay ko! Muntik na akung mapatay ng mga halimaw na iyon at gagawin nila akung hapunan!” napalakas na ang boses ko habang sinasabi it okay Rayle pero laking gulat ko ng biglang sumilay ang ngiti ni Rayle na akala mo naman nakikipag-tawanan ako sa kanya. “Anong nakakatawa sa sinabi ko Rayle!” singhal ko sa kanya kaya kaagad naman itong tumigil sa kakatawa at tumabi sa akin at hinawakan ako sa kamay. “Hindi ka naman siguro makakarating sa plato nila at makukuha naman kita,” bigla na naman itong natawa kaya hindi kuna napigilan ang sarili ko at mabilis na dumapo ang kamay ko sa kanyang balikat na mas lalong ikinatawa ng baliw at akmang hahampasin ko siya ulit ng mabilis niyang sinalag ang kamay ko at mabilis itong hinalikan at niyakap ako. “Dito kana muna ha,” mariin akung napapikit habang yakap-yakap ako ni Rayle pero aaminin kuna kapag kayakap ko si Rayle gumagaan ang loob ko kagaya nalang ngayon na kahit galit ako sa kanya mas gusto ko paring kayakap siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD