Chapter 33

1347 Words
Habang nakayakap ako kay Rayle at hinihimas nito ang likod ko kaagad namang gumaan ang aking pakiramdam kasi pakiramdam ko kapag katabi ko na si Rayle pakiramdam ko ligtas ako at malayo ako sa piligro. Pumunta ako dito para sabihin o ipaliwanag sa kanya kung narinig niya man ang pinag-usapan namin ni Ivan hindi ko alam kung bakit pa sasabihin sa kanya pero iyon kasi ang sinasabi ng utak at puso ko. “Tama ka lang siguro na namiss na kita kaya mas napa-aga pa ako dito sayo,” narinig ko ang munting tawa nito sa akin kaya kahit ako napatawa nadin sa kanya at itinago ang mukha ko sa kanyang dibdib habang nakayakap ako sa kanya. “Pumunta din ako dito para ipaliwanag sayo kung ano man ang narinig mo kanina habang nag-uusap kami ni Ivan sa kwarto ko,” dagdag saad ko kaya kaagad namang narinig ko ang buntong hininga nito at dahan-dahan na kumalas sa pagkakayakap niya sa akin at dahan-dahan na binaba ang hawak nitong espada. Napatingin naman ako sa kanya at kaagad na napalunok ng sunod-sunod dahil mukhang narinig nga iyon ni Rayle at sa hindi malamang dahilan bigla akung kibahan at natakot sa kung ano man ang kanyang sabihin sa akin hindi ko naman kasi talaga inaasahan na may ganong nararamdaman sa akin si Ivan at hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya na may iba na akung mahal dahil alam kung masasaktan ko talaga siya ng sobra sa oras na malaman na niya ang buong katotohanan. “Oo, narinig ko ang naging usapan niyo balak ko sanang tignan ang kalagayan mo ng pagdating ko doon narinig ko ang usapan ninyong dalawa at alam kuna kung ano ang nangyayari kaya umalis nalang ako at hindi nakinig sa inyo,” mahinang saad sa akin ni Ivan at mukhang hindi na ito nagulat kung alam na niya ang sinabi sa akin ni Ivan. “Matagal ko ng alam na mahal ka ni Ivan at alam kung simula noon pa siyang may pagtingin sayo siguro ngayon lang talaga siya nakakuha ng lakas ng loob para sabihin sayo ang totoo,” ako naman ngayon ang nagulat sa sinabi ni Rayle dahil alam din pala niya na mahal ako ni Ivan higit pa sa isang kaibigan. “Hindi ko naman sinasadya na mamahalin niya ako sobra pasa bilang magka-ibigan at isa pa kapatid na ang turing ko sa kanya ang pamilya nito ay pamilya kuna din kaya nagulat nalang ako ng sabihin niya ito sa akin at ayaw kung saktan ang kaibigan ko dahil sa oras na malaman niya ang totoo alam kung masasaktan talaga siya,” biglang hinawakan ni Rayle ang aking kamay at mariin akung tinignan sa mga mata sabay haplos ng aking pisngi. “Kung ano man ang desisyon mo tatanggapin ko alam ko namang mahalaga sayo si Ivan at mas mahaba ang pinagsamahan ninyong dalawa kaysa sa akin kaya tatanggapin ko kung siya ang pipiliin mo alam ko namang mabuting tao si Ivan at alam kung kayang-kaya ka niyang alagaan hanggang sa huli,” parang sinaksak ang puso ko habang naririnig koi tong sinasabi sa akin ni Rayle mismo ng harapan kasi parang ayaw tanggapin ng puso at isip ko ang kanyang sinabi. “Hindi man ako makakasama mo habang buhay atleast alam kung nasa tamang tao ka at hand aka niyang alagaan hanggang sa huling sandlali niya dito sa mundo,” mabilis kung tinabig ang kamay ni Rayle na nakahawak sa pisngi ko na kaagad naman niyang ikinagulat ng husto kasi mukahng napalakas nga talaga ang pagtabig ko ng kanyang kamay. Kahit ako din naman nagulat sa inasal ko sadyang nagulat lang ako sa kanyang sinabi kasi paano ba naman kaagad na kumirot anng puso ko ng sinabi nitong hindi naman siya ang makakasama ko habang buhay sa mga salitang iyon para akung pinaso at sobrang kirot ang naramdaman ko dito ko napatunayan na mahal na mahal kuna nga talaga ang hinayupak na ito. “Mahal ko si Ivan bilang kaibigan ko pero hindi ko naman hahayaan na pagbibigyan ko siya hindi porket kaibigan ko siya may sarili naman akung puso at isipan at kahit mahal ko si Ivan bilang kaibigan lang iyon at hindi niya matuturuan ang puso kuna mahalin siya kung may iba ng laman ang puso ko,” dahan-dahan na binalik ni Rayle kamay nitong tinabig ko sa kanyang tagiliran at mariin akung tinignan sa mga mata habang hindi ko alam kung anong emosyon ang nakikita ko sa kanyang mga mata. “Hindi ko lang matanggap na mahal niya ako higit pasa pagkaka-ibigan naming dalawa ayos lang sana kung pareho naming mahal ang isat-isat pero may iba naman akung mahal at hindi ko alam kung anong mukha ang ihaharap ko sa kanya sa oras na magkita kami ulit ni hindi ko nga alam kung ano ang isasagot ko sa kanya kasi alam kung masasaktan siya,” mabilis akung napahilamos sa aking mukha habang hindi alam ang gagawin pero naramdaman ko nalang na bigla nalang akung niyakap ni Rayle mula sa likuran. Mabilis na kumabog ng malakas ang puso ko habang nararamdaman ang yakap sa akin ni Rayle na kahit ang lalim na ng problema ko nagagawa kung kumalma dahil lang sa kanyang yakap. “Alam kung totoo ang pagmamahal ni Ivan at alam kung makakaya ka niyang pasayahin at alagaan Kleyton,” muli kuna namang hinarap si Rayle na ngayon ay nakatingin din sa akin. “Kumpara sa akin walang-wala ako sa kanya Kleyton siya nasa normal na mundo at magkakaroon ka ng normal na buhay sa kanya at magiging maayos ang buhay mo kapag siya ang kasama mo pero ako wala akung magagawa kundi ang panuurin ka nalang sa malayo dahil masaya na akung nakikita kang masaya,” sunod-sunod na tumulo ang aking luha sa mga sinabi ni Rayle kaya mabilis ko siyang hinawakan sa pisngi at umiling sa kanya dahil hindi ko matatanggap ang kanyang sinabi sa akin. “Kahit ano man ang sabihin mo hindi ako aalis sa tabi mo bakit ako aalis sa tabi ng mahal ko,” biglang nanlaki ang mga mata ni Rayle ng banggitin ko ang mga salitang iyon. “Kahit sabihin pa natin na mahal ako ni Ivan hindi niya naman matuturuan ang puso ko kung sino ang mamahalin ko at wala siyang magagawa kung ikaw itong sinisigaw ng puso ko,” pinahid ko ang luhang kumawala sa aking mga mata at kaagad na lumayo sa kanya habang sumasakit ang puso ko. “Kaya nga ako pumunta dito para sabihin o ipaliwanag sayo ang lahat-lahat pero ito ka naman tinutulak ako palayo sayo ano ba talaga ang nangyayari Rayle noon gusto mo akung mapalapit sayo pero ngayon ikaw naman mismo ang tumutulak sa akin palayo sayo alam mo ba ang ginagawa mo sa akin? Para akung tanga na hindi ko alam at kung saan ba talaga ako lulugar para akung hindi ko alam kasi pakiramdam ko pinahulog mo lang ako sayo at hinayaan nalang basta-basta at ako naman ang tanga na nahulog sayo!” hindi kuna napigilan ang aking sarili at napalakas na ang huling salita ko paano ba naman hindi ko alam kung ano na ang maramdaman ko may sakit na hindi ko maipaliwanag. Kaagad na natahimik si Rayle sa sinabi ko at hindi kaagad siya nakasagot sa akin at nanatiling nakatingin lang ito at akamang hahawakan ako nito ng mabilis kung iniwas ang aking kamay sa kanya at mahinang umurong palayo dito. Mas lalong nanlaki ang mata ni Rayle sa aking ginawa at malalim itong napabuntong hininga habang kaharap ako at hindi kuna napigilan ang sarili ko at dahan-dahan na akung tumalikod sa kanya ng mabilis na namang nahawakan ni Rayle ang aking kamay. Marahas ko siyang nilingon at hinila ang kamay ko palayo sa kanya pero kaagad na naman niya itong kinuha sa akin at marahan akung niyakap ng mahigpit at doon nagsimula na namang bumuhos ang aking mga luha habang yakap-yakap na ako ni Rayle habang hinihimas ang aking likod at marahan akung hinalikan sa balikat kaya mas lalo nalang akung naiyak sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD