Habang dahan-dahan na lumalapit sa akin si Rayle biglang tumulo ang kanyang mga luha na kaagad nagpasakit sa aking puso kahit hindi ko pa alam ang dahilan kung bakit siya lumuluha. Kahit hindi ko pa alam ang dahilan kakaibang bigat na ang nasa puso ko, habang nakikita ko palang na palapit nasa akin si Rayle at ng dahan-dahan akung napatingin kina Austin napaiwas sila ng tingin sa akin at nakitaan ko ng kakaibang emosyon ang kanilang mga mata, alam kung may mali akung ginawa sa kanila. Kung tama ang sinabi ng goblin na iyon sa akin hinding-hindi ko mapapatawad ang akingsarili dahil sa maling nagawa ko. Hindi kuna hinintay na si Rayle pa mismo ang makalapit sa akin bagkus ay ako na mismo ang tumakbo palapit sa kanya at sinalubong ito ng mahigpit na yakap habang sunod-sunod din na tumulo ang

