Habang pababa ako ng bundok hindi ko mapigilang isipin ang mga sinabi ko kanina kay Ivan na nagpasakit sa kanyang damdamin. Bigla akung napatigil sa paglalakad ng makarinig ako ng malakas na sigaw mula sa bundok na pinanggalingan ko kanina kaya mas lalong binalot ng kaba ang aking puso ng maalala kung nandoon pa pala si Ivan at hindi pa siya nakababa. Walang alinlangan akung tumakbo pabalik sa bundok sabay tapon ng aking mga dala kanina at tanging iyong espada ko nalang ang aking dinala habang tumatakbo hindi alintana ang mga sugat ko sa aking buong katawan. Hinding-hindi ko mapapatawad ang aking sarili kapag may nangyaring masama sa kanya, ako ang may kasalana ng lahat ng ito kapag may nangyaring masama kay Ivan. Habang tumatako ako pabalik sa bundok nararamdaman ko ang sakit ng aking b

