“Hindi ako matatahimik dito hanggat hindi mo sinasabi sa akin ang totoo Kleyton! Hindi ako isang tanga na hindi mo sasabihin sa akin ang totoo handa naman akung makinig at intindihin ang sasabihin mo!” hindi ko alam kung maiintindihan ba ni Ivan ang sasabihin ko kasi kung iisipin ko palang ang hirap din naman kasing intindihin. “Sa tingin mo matatahimik ako ng harap-harapan kung nasaksihan ang ginawa muna pagpatay sa ano mang nilalang na iyan! Hindi ko alam kung ikaw paba ang Kleyton na kilala ko noon o hindi na kasi sa nakikita ko ngayon ibang-iba kana!” hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya habang sinasabi niya sa akin ang mga salitang iyon. Kahit sabihin pa natin na gusto kung sabihin kay Ivan ang buong katotohanan mahihirapan naman siyang paniwalaan ang lahat ng ito ako nga

