Nakatulala si Ivan habang nakatingin sa nilalang na nasa kanyang harapan at walang buhay lalo naman siyang nagulat ng makita niya ang espada na umiilaw at ako naman dahan-dahan na lumapit sa patay na goblin at kaagad na hinugot ang aking espada kung dahan-dahan niya namang hinihigop ang dugo ng goblin. Tinignan ko si Ivan na hanggang ngayon ay nakatulala at hindi makapag-salita habang nakatingin sa bangkay ng halimaw. Alam kung nagulat ko siya sa mga pangyayari pero hindi ko naman pwedeng pabayaan nalang siya, tumingin ako sa kanya na hanggang ngayon ay mukhang hindi parin makapaniwala kagaya sa akin noon. Tama nga ang sinabi ni Ace na makakarating na sila dito at umaatake sila ng tao kung ganon kung hindi ko siya nakita kanina baka kung ano na ang ginawa nila kay Ivan, alam ko naman na a

