Habang nakaupo ako sa kama ko at nakatulala sa kawalan hindi ko alam kung saan na ako pupunta ngayon o ano na ang gagawin ko. Tinignan ko ang malaking glass sa loob ng kwarto ko kung saan ako papasok kapag pupunta na ako kina Rayle at diyan ako matutulog, kahit sino walang makakapasok at makakabasag niyan kahit si Rayle hindi kayang basagin ang glass na ito. Ito din kasi ang glass na kinalalagyan ng bulaklak na moonrise sa palasyo ni Rayle. Umuwi muna ako ngayon dito kasi masyadong mainit ang ulo ni Rayle doon sa palasyo at kahit minsan sina Austin napag-bubuntunan niya ng galit hindi ko alam kung bakit mainit ang kanyang ulo tapos kapag kinakausap ko siya hindi na siya ngumingiti o tumatawa manlang kaya ano ang gagawin ko? Mas mabuti na sigurong umuwi muna ako at babalik nalang ako doon

