Habang nakaupo ako sa upuan dito sa pinasukan namin kanina rinig na rinig ko parin ang tunog sa itaas nasa tingin ko ay nagpipilit silang pumasok o mas tamang sabihin sinisira nila ang harden sa itaas para lang makapasok dito. Parang may maliit na library kasi dito at may ilaw naman habang silang tatlo naman ay busy sa kakausap sa isat-isat at habang ako naman ay nakikinig lang sa kanila wala naman akung naiintindihan sa mga pinag-uusapan nila kaya nagtingin-tingin nalang ako sa paligid. Parang wala naman kasi sa kanila ang nangyari at kung ano ang nagwawala doon sa taas habang ako naman dito natatakot na ako, paano ba naman sinabi niya sa akin kanina na taong uwak ang lumilipad kanina kaya sino ba naman ang hindi matatakot doon? Tinignan ko ang espada na hawak ko ngayon iyong binigay s

