Ilang araw na ako dito sa palasyo ni Rayle at bumalik lang ako sa mundo ko para magpadala ng sulat sa trabaho at mga kakilala kuna mawawala muna ako at magbabakasyon lang ako pero ang totoo matutulog lang naman ako sa bahay, hindi lang basta tulog dahil mamamatay ako ng ilang linggo pero gising naman ako dito sa mundo nina Rayle o mas tamang sabihin sa panaginip ko. May nagbabantay naman sa akin doon sa kabilang mundo kung sakali lang at anytime pwede naman akung makabalik kung sakal lang. Hindi naman kasi pwede na magpakita ako sa kanila doon na may mga pasa at sugat ako dahil talagang tatanungin nila ako kung ano ang nangyari sa akin at hindi ko naman pwedeng sagutin na sinaktan ako at nahuli ng reyna ng mga goblin dahil baka hindi sa hospital ang bagsak ko kundi sa mental. Walang mani

