Habang yakap-yakap ako ni Rayle at tinatakpan ang tenga ko dahil sa mga hinaing at hiyaw ng mga goblin na pinapatay ng mga knight na walang awa kahit anong pakaawa nila walang awa parin silang pinapatay ng mga knight at tanging mga tunog ng espada nila ang naririnig ko habang yakap-yakap ako ni Rayle. Sunod-sunod lang na tumulo ang aking mga luha habang nakabaon ang aking ulo sa dibdib ni Rayle at hinahaplos nito ang likod ko habang siya naman makailang-beses na itong napapamura at napapahigpit ang yakap sa akin. “Im sorry baby kung nahuli na ako ng dating,” mahinang bulong sa akin ni Rayle habang naririnig ko ang kanyang hikbi sa aking balikat kaya mas lalo nalang akung naiyak sa kanyang sinabi, paano nalang kung hindi siya dumating edi sana wala na ako ngayon malamang napatay na nila a

