Habang nasa tabi ko si Rayle at nakaupo kaming dalawa sa duyan na nandito sa labas ng palasyo at tahimik lang ako at hindi kumikibo siya naman ay panay ang hawak sa aking kamay at mahina itong pinipisil na hindi ko alam siguro mahilig siyang gawin ang bagay na iyon. Ayos lang naman sa akin kasi gusto ko naman at gusto ko kapag ginaganito ako parang ang sweet na nag laki ng respeto sayo. Alam ko naman na masyadong maaga nag nararamdaman ko sa kanya pero hindi ko naman mapigilan ang aking sarili dahil kapag nandiyan siya sa tabi ko ang lakas naman ng kabog ng aking puso na hindi ko maipaliwanag. Dahan-dahan kung nilingon si Rayle na kaagad ko namang ikina-gulat dahil nakatingin din pala ito sa akin at biglang ngumiti ng sobrang tamis kaya sabihin niyo sa akin kung sino ang hindi mahuhulog

