bc

Tanaueño Series #1: Buying Love

book_age16+
0
FOLLOW
1K
READ
others
goodgirl
bxg
genius
campus
highschool
small town
childhood crush
poor to rich
gorgeous
like
intro-logo
Blurb

Simula pagkabata ay ang hangad lamang ni Lanie ay ang oras ng kanyang magulang. Ngunit sa sobrang pagtatrabaho ng mga ito ay ang tanging nag-aalaga nalang sakanya ay ang kanilang kasambahay. Namuhay si Lanie na hindi maluhong bata, ngunit dahil sa kanyang pagiging angat sa buhay ay hindi iyon nakikita ng lahat ng tao, lalo na ng kanyang gusto na si Nikolo.

Si Nikolo ay mahirap lamang, tingin niya sa mayayaman ay maarte at maluluho kaya kahit si Lanie ay inaayawan niya. Isa lang siyang tindero sa palengke at kumukuha ng scholarship upang makapagtapos ng pag-aaral.

Magbabago pa kaya ang tingin niya kay Lanie? Maaari bang bilihin ang puso at ang pagmamahal?

chap-preview
Free preview
SIMULA
This is the first series of Tanaueño Series. Sana ay patuloy niyo pang suportahan ang mga susunod pa. Maraming maraming salamat sa patuloy na pagbabasa ng aking mga storya! Palaging mag-iingat! Mahal ko kayong lahat :* ********** Malamig na panahon ang bumabalot sa siyudad ngayon. It's December 24 at kitang kita ko mula sa bintana ng aking kwarto ang excitement ng mga tao para sa pasko, sana ganoon rin ako. Hindi kasi nakukumpleto ang pamilya namin sa t'wing may mga important events, cuz my mom is a doctor and my dad is engineer kaya lagi silang busy. Tanging si yaya Biring lamang ang nakakasama ko sa t'wing may salu-salo pero masaya naman ako dahil yaya Biring is kind to me and she never leave me in this boring house. "Lanie, bumaba kana rito at baka hapunin tayo sa pamimili!" Sigaw ni yaya Biring mula sa ibaba. Nag request kasi ako na sumama sakanya sa pamimili sa palengke para sa pang hapunan namin mamaya dahil nakakabagot namang maghapon ako ritong magmumukmok sa aking kwarto. "Opo yaya, bababa na po." At dali daling nagsuklay ng buhok. Naka jeans lang ako at yellow puff top and sneakers dahil siguradong marumi roon kaya ayaw kong madumihan ang aking paa. Bumaba na ako pagkatapos at kitang kita ko ang pagtaas ng kilay ni yaya Biring. "Sa palengke tayo pupunta Lanie, ang iyong damit ay mukhang pupunta ng mall ah." Sabi niya habang nginingisihan ako. "Yaya naman e! Mainit kasi roon panigurado kaya ayaw kong magsuot ng tsinelas. Ayos na ito yaya halika na sa sasakyan." "Hindi tayo gagamit ng sasakyan ngayon, Lanie. Hindi makakadaan sa palengke iyon ngayon dahil panigurado'y puno ng mga nagtitinda roon sa Tanauan lalo na ngayong magpapasko. Magtatricycle lamang tayo paroon at parito." Tumango na lamang ako sa sinabi ni yaya para wala ng masabi. Nasa fifties na kasi ito kaya grabe na kung mangaral sa akin pero masaya naman ako dahil siya na ang tumayo kong magulang t'wing wala sina mommy at daddy. Pumara ng tricycle si yaya Biring at siguro'y nasa twenty minutes rin ang aming byinahe. Naunang lumabas si yaya upang iabot ang bayad at binuksan ang payong, at kasabay noon ay ang paglabas ko. Naglingunan naman ang mga nagtitinda roon lalo na ang mga binata at dalaga. "Anak iyan ni Doktora at ni Engineer diba? Sanay ba ang batang iyan rito sa palengke?" Bulong noong matanda "Napagkaputi naman ng anak ni Doc at maganda ang hubog ng katawan! Kainggit!" Sabi naman nang isang dalagang nagtitinda. Napakapit ako kay yaya Biring ng wala sa oras dahil sa hiya na aking nararamdaman. "Ayos kalang ba, Lanie? Pumarito ka sa payong at maiinitan ka!" I smiled, "Yaya I'm fine. This place is crowded kaya isara mona po iyang payong at baka makasagabal lamang po iyan sa lalakaran natin." Isinara naman iyon ni yaya matapos kong sabihin. "Oh sya halika na roon sa bandang gulayan at mamimili ako ng panrekado sa sinigang at menudo." Tumango ako kay yaya at sinundan siya sa paglalakad. "Biring!" Sabi ng isang tindera na tingin ko'y kaedad lang ni yaya, "Iyan naba si Lanie? Aba dalagang dalaga na ah! Bakit ngayon mopa pinasyal iyan rito, baka maligawan iyan ng mga tindero rito!" Agad namang napatawa si yaya at ako'y nanatiling tahimik, "Ikaw talaga Evelinda ay napakaraming alam! Nababagot raw sa bahay ang alaga ko kaya sumama. Nako ay disi sais pa lamang si Lanie, hindi pa maaaring ligawan! Isang kilo nga nitong patatas." Natapos kaming mamili ni yaya ng mga gulay. Sumunod naman kaming pumunta sa bilihan ng karne. "Ya, ako na ang magdadala nitong mga gulay." Tinignan ako ni yaya, "Ayos lang ako ya, hindi naman sila siguro mabigat." "Ikaw talagang bata ka! Ang mabuti pa ay bumili ka ng ecobag doon kina Evelinda tapos hihintayin kita doon sa prutasan. Dalian mo ha." Tumango ako at ngumiti at pagkatapos ay tinahak na ang stall nina aling Evelinda. "Hi po, I'll buy an ecobag lang po." Sabi ko na nahihiya pa. Ngumiti si aling Evelinda at ibinigay sa akin ang ecobag at inabot ko naman ang bayad, "Napaka ganda mong talaga, Lanie!" Ngumiti ako, "Ay hindi naman po hihi pero salamat po." Pagkatapos noon ay hinanap ko si yaya sa stall ng prutasan. "Mommy!" Narinig kong iyak noong batang wari ko'y nasa apat na taong gulang pa lamang, "Where's my mommy!" Kaya imbes na tumuloy sa paglalakad ay nilapitan ko ito. Lumuhod ako upang maging pantay kami, "Hey, nawawala ka ba? Do you mind if I help you to find your mom?" Lalong umiyak ang bata na siyang ikinagulat ko, "Mommy!" "Oh my gosh! Shh stop crying, I'll help you to find your uh mom... just please stop crying, oh my gosh." Nakaluhod parin ako habang pinupunasan ang luhang pumapatak sa mata ng bata, "I'm good, I won't hurt you, Nasaan ba ang mommy mo? Bakit ka paba isinama rito, masyadong maraming tao." Sabi ko kahit hindi naman niya maiintindihan iyon. "What's your name ba? Para I'll ask every person na madadaanan--" "Jason!" Pareho kaming napalingon ng bata dahil sa sigaw mula sa likuran. Matangkad at morenong lalaki ang tumambad sa amin. He's wearing a white sando and a faded jeans. Naka tsinelas rin ito at may nakasabit na towel sa kanyang balikat. Hindi ko namalayan ang paglapit niya sa amin dahil sa sobrang pagkatulala ko. When he finally come near us, I saw his thick brows furrowed and his prominent eyes looking at me intently. Lumuhod rin ito kaya dalawa na kaming nakaluhod, mabuti na lamang at nasa medyo gilid kami kaya hindi abala sa mga namimili. "Nikolo!" Sabay yakap noong bata sakanya. So, Nikolo is his name huh. "What did you do to him?" Tanong niya sabay baling sa akin. Nagulat ako at napahawak sa aking dibdib, "What? I didn't do anything, swear!" Sabi ko na para bang nililitis. Hindi niya pinakinggan ang sinabi ko at bumaling sa bata, "Diba sabi ni ma'am Patty sa'yo ay doon ka lang sa stall dahil maraming tao ngayon?" Nagpunas ng luha ang bata, "I'm sorry Nikolo, I want to pee kasi." "Dapat ay nagsabi ka sa akin mamaya may masamang tao pa ang kumuha sa iyo." Nanlaki ang mata ko at tumayo, "I'm not that kind of person! I just want to help uh Nikolo." Napaka feeling close ko naman noon. Nag angat siya ng tingin sa akin at pagkuwa'y tumayo, kaya naman kitang kita ko ang pag flex ng kanyang ugat sa braso. Nagpagpag siya ng tuhod, "Dapat ay tumabi kayo roon sa walang masyadong tao. Crowded ang lugar na ito tapos ganyan pa ang suot mo." Sabi niya at inirapan ako at muling bumaling sa bata. "I didn't know--" "Lanie!" Sigaw ng papalapit na si yaya Biring, "Kanina pa kitang hinihintay sa prutasan naririto kalang pala!" Bumaling si yaya sa aking katabi, "Oh Nikolo kumusta? Oh bakit parang kagagaling lang sa iyak nitong si Jason?" "Magandang umaga po aling Biring, hinanap ko lang po si Jason at nakalabas sa stall. Mabuti nalang po nahanap nitong alaga ninyo." Ngumiti si yaya, "Nako ay talagang mahilig sa bata itong si Lanie hijo, wala kasing kapatid kaya ganoon. Mabuti at nakita mo Lanie!" "Uh he's crying kasi ya, kaya uh l-lumapit ako p-ero uh mas lalong umiyak e..." pahina kong sambit Humalakhak si yaya, "Ito talagang batang ito oo, hindi ka kasi kilala ni Jason kaya ganoon!" Hinaplos niya ang buhok ng bata, "Jason, ito si ate Lanie mo, anak ng iyong doctor." Sabay baling naman niya kay Nikolo, "Nikolo ito si Lanie, yung inaalagaan kong bata noon, malaki na ngayon." "Kilala kopo siya aling Biring." Kaya naman napangiti ako ng malawak na siya namang ikinakunot ng noo ni Nikolo. Inilahad ko ang aking kamay, "Hi! Uh I'm Lanie." Pero imbes na kamayan ako pabalik ay tinanguan niya lamang ako kung kaya't naiwan sa ere ang aking kamay ngunit dahan dahan ko naman itong ibinaba. "Oh sya, mauna na kami sa inyo hijo at masyado ng mainit, baka mangitim itong alaga ko." "Hahatid kona po kayo aling Biring, marami ho ang pinamili ninyo at... mukhang hindi marunong mag bitbit ang alaga nyo. Ihahatid ko lang po si Jason, hintayin nyo po ako rito." What the hell? Marunong naman akong magbitbit no! Pero argh ang gwapo niya kahit masungit. Ilang minuto ang lumipas ay nariyan na si Nikolo at walang pasubali ay binuhat aming pinamili. Kaya naman kitang kita ko ang pag flex ng kanyang biceps na ikinagwapo nya pa lalo. Inilapag niya ang aming pinamili sa tricycle at pagkuwa'y bumaling kay yaya. "Mauna na po ako aling Biring. Mag-ingat po kayo sa pag uwi." Pagkatapos ay binalingan ako at pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa atsaka ako tinalikuran. Walang pa goodbye Lanie? Psh! Nasa tricycle na kami ng magsalita si yaya, "Napakabait talaga niyang si Nikolo! At napaka matulungin pa." "Masungit kamo ya, hindi manlang nag goodbye sa akin." Sabi ko at umirap. Natawa naman si yaya. "Ganon talaga iyon sa mga dalaga hija, kaya hindi nagkakanobya." Napangiti ako sa aking narinig. Walang girlfriend! "Walang girlfriend ya? Eh sa gwapo niyang 'yon!" "Busy iyon sa pag-aaral hija. Bakit na gwapuhan kaba kay Nikolo?" "Me? Uh k-kind of. Mabait naman siya ya." Natawa siya, "Kolehiyo na iyon hija at ikaw, gagraduate pa lamang ng highschool." Umirap ako, "Isama mo ako palagi sa pamamalengke ya ha! Please?" Tumitig si yaya sa akin at saka humalakhak, "Ikaw talagang bata ka, oh sya sige." Ngumiti ako at inalala ang tinginan namin sa palengke kanina. Hanggang makarating sa bahay ay ngiting ngiti ako sa t'wing maaalala ko ang pag kunot ng kanyang noo.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Lone Alpha

read
125.8K
bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
826.1K
bc

Secretly Rejected My Alpha Mate

read
36.5K
bc

His Unavailable Wife: Sir, You've Lost Me

read
11.2K
bc

The Luna He Rejected (Extended version)

read
621.2K
bc

Bad Boy Biker

read
8.9K
bc

The CEO'S Plaything

read
20.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook