"Kumusta na po si Tatay, Doc?" Mabilis akong tumayo para lumapit sa Doctor na kapapasok lang sa room ni Tatay.
Nakiusap ako kay Damon na dumaan muna kami sa ospital para bumisita kay Tatay dahil ilang araw din akong hindi nakabisita gawa ng pagiging abala sa school, at isali pa ang nangyari noong nakaraang araw. Pagod na ngumiti ang Doctor at umiling. "Ganoon pa rin, Ms. Mondreal."
Nanlumo ako sa narinig ko. Bakit kaya hindi pa rin gumigising si Tatay? Mahigit dalawang buwan na simula nang nangyari ang aksidente. Ayon sa Doctor ay maayos naman ang resulta ng mga tests niya. Kaya hindi ko maintindihan, bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagigising?
Gusto kong magwala sa labis na frustration. Pero, kapag nagwala ba ako, magigising ba si Tatay? Hindi pa rin naman, di ba? Lumaylay ang balikat ko. Naiiyak na naman ako. Malungkot akong tumingin sa Doctor na agad namang ng-iwas ng tingin sa akin. He looked at Damon, and Damon looked at him too. Naroon na naman ang mga tinginan nila na para bang silang dalawa lang ang nagkakaintindihan. Gusto kong malaman kung ano ang ibig sabihin ng kanilang tinginan. Pakiramdam ko may mali, ngunit ayaw lang nilang sabihin sa akin.
"Bakit, Doc? Mahigit dalawang buwan na pong walang malay si Tatay. Tapatin niyo po ako, magigising pa ba siya?" Tumaas ang boses ko.
Mabilis na lumapit si Damon sa akin at hinaplos-haplos niya ang likuran ko para pakalmahin ako. Ngunit ayaw nang kumalma ng damdamin ko. Pakiramdam ko ay may tinatago silang dalawa sa akin.
"Like I said before, wala po sa atin ang makapagsasabi kung kailan magigising ang pasyente. Rest assured that we are keen on monitoring your father's condition. Sa ngayon ay maayos ang lahat ng kanyang tests, and he's stable. Maybe his body needs more rest. Kapag handa na ang katawan niya, magigising din siya," maingat na paliwanag ng Doctor.
Gusto kong magprotesta at sabihin sa Doctor na baka kulang ang ginagawa niya, na baka kaya hindi pa rin nagigising si Tatay ay dahil hindi niya ginagawa ang tungkulin niya, ngunit humigpit ang pagkakahawak ni Damon sa akin. "Calm down, baby. Doctor Garcia is doing his best for your father. Just trust him," bulong niya.
Kahit na may kaunting pagdududa pa sa sarili ko, tumango na lang ako. Lalo lang akong na-frustrate sa naging reaksyon ko. Imbes na magpasalamat sa ginagawa niya ay nakuha ko pang magalit at magduda. I cried in frustration. Gusto ko lang naman na tuluyan nang gumising si Tatay.
Wala na ako sa mood noong umuwi kami. At dahil gabi na rin, sa labas na kami kumain ni Damon. Kaunti lang din ang kinain ko dahil wala kong gana. Pagdating namin sa bahay ay nagpalit lang ako ng damit at natulog na. Laking pasasalamat ko na lang din na hindi na nangulit pa si Damon.
Days passed, at mas lalo akong naging abala sa eskuwelahan. Ang madalas kong pagdalaw kay Tatay sa ospital ay napalitan ng minsan. Ngunit sa kabila noon, hindi naman siya nawawala sa panalangin ko. Mas nag-focus ako sa pag-aaral ko at sa paggawa ng Thesis ko. Dahil busy rin si Damon sa trabaho, madalas ay sa labas na lang kami kumakain.
Our set-up continued, and day by day, I realized how I'm falling hard for him. Despite his possessiveness, he's caring and extra thoughtful in his own way. It was his sweet, little gestures that made me fall for him, no matter how hard I try to stop myself. Iniisip ko na lang na hayaan ang sarili kong maging masaya kahit na alam kong maaaring panandalian lang ito. I would rather enjoy this moment now, than to regret not doing this later on.
"Have a great day, baby," bulong niya sa tainga ko, bago niya ako ginawaran ng halik sa pisngi.
Ngumiti ako sa kanya. "Mag-iingat ka, Damon. Huwag mong gutumin ang sarili mo. Do not overwork yourself," bilin ko sa kanya. I blushed when I realized how I sounded like a wife to him.
"Damn. Yes, baby. Although the food I want for lunch is you. Maybe I'll have you for dinner later instead?" He asked sensually.
Uminit ang pisngi ko. Mahina ko siyang tinampal na ikinatawa niya lang. "Tumigil ka nga, Damon. Halos gabi-gabi naman nating ginagawa iyon, hindi ka ba nagsasawa?"
"Kahit habang buhay pa, Cassandra. Hinding-hindi ako magsasawa," he replied.
Kumalabog na naman ang puso ko. Gusto kong isipin na parehas kami ng nararamdaman, ngunit hindi ko pwedeng isantabi kung ano nga ba ang tunay na namamagitan sa amin.
A part of me somehow wishes that everything he did, and showed me were true. And I may not admit it, but I'm secretly hoping that whatever we share will soon become real.
I sighed. Ang dami na pa lang nagbago sa buhay ko. Noon, kontento na ako sa mga bagay na mayroon ako. Tama na sa akin ang makapagtapos ako at maiahon si Tatay sa hirap. Wala sa isip ko ang pag-ibig o ang pakikipag relasyon noon. Pero ngayon, hindi ko na yata kayang isipin ang isang buhay na hindi kasama si Damon.
I have learned to plan my life with him. Kapag nagising si Tatay, ipakikilala ko siya kay Tatay. Sigurado akong matutuwa si Tatay sa kanya, lalo na kapag nalaman niyang si Damon ang tumulong upang maipagamot siya. I can't wait for that day to come, at kapag dumating ang araw na iyon, ako na siguro ang pinaka masayang tao sa buong mundo.
"Ang lalim naman ng iniisip mo, Cassandra. Pangiti-ngiti ka pa," puna ni Mika.
Napakurap-kurap ako at saka ko lang naalala na nasa library nga pala kami para mag-finalize ng mga write-ups namin. Napansin ko ang pagtigil ni Kirby sa ginagawa at bumaling sa akin. Iniwas ko agad ang aking paningin. His gaze was intense, and I feel like he's looking deep into my soul. Para bang binabasa niya ang laman ng isipan ko, at hindi ako komportable roon. Or maybe, I'm only afraid because I know he's the only who knows I'm not— no longer the saint they believed me to be.
Simula noong nagkasagutan kami, pilit ko na siyang iniwasan. Hindi ko rin alam kung bakit. Natatakot ba ako? O baka siguro nahihiya dahil nabisto niya ang sikreto ko.
"Pasensya na kayo. Marami lang talaga akong iniisip ngayon," sagot ko.
Nagpaalam si Kirby na mauuna siyang umuwi kaya naman naiwan kaming tatlo nina Mika at Rachelle. At dahil ginutom din kami, nagpasya kaming bumaba sa cafeteria para mag-meryenda. Habang kumakain kami ay sakto namang tumunog ang cellphone ko dahil tumatawag si Damon.
"Hello."
"Baby, I'm going to be a little late. Kasama ko so Zach ngayon, we have a quick meeting," aniya.
"Okay lang. Pwede naman akong sumakay ng jeep pauwi." Nakakahiya rin naman kasi kung maiistorbo ko pa sila, mukhang mahalaga ang pinag-uusapan nila.
"No, no. Don't do that. Just wait for me, saglit na lang din naman ito." He ended the call.
"Sino 'yon?" usisa ni Mika.
Noon ko lang napansin na tumigil pala sila sa pagkain. Bahagya akong nahiya, kasi hindi ko alam kung ano ba talaga kami Damon.
"Ah, siya iyong tumutulong sa amin ni Tatay. Sa bahay niya kasi ako ngayon nakatira," paliwanag ko.
Namilog ang mga mata ni Rachelle. "Gwapo ba?" Tanong niya. Agad namang nag-init ang mukha ko. Syempre, gwapo. Sa totoo lang, kulang ang salitang gwapo para ilarawan si Damon. He's almost perfect in terms of his physical appearance. Matangkad siya, at may perpektong hubog ng katawan. Ang mukha niya ay parang nililok. His sharp, pointed nose, prominent jawline and his dark, mysterious eyes that always makes me feel lost.
"Hoy, hindi ka nakapagsalita. Siguro ubod ng gwapo 'no?" sabat naman ni Mika.
"Uh, oo. Gwapo siya, mabait at saka matulungin." Hindi ko na binanggit na mayaman si Damon dahil pakiramdam ko ay alam na nila iyon. After all, paano niya kami tutulungan kung wala naman pala siyang pera, 'di ba?
"Hmmm, ngayon lang kita narinig na nagsabing gwapo ang isang lalaki, ah. Sabihin mo nga, may gusto ka roon no?" Panunukso ni Mika.
Hindi ako nakapagsalita. Alam ko kaso na tama sila. May gusto naman talaga ako kay Damon, kaya bakit ko pa ide-deny?
"Hala, na-speechless. May gusto nga," kinikilig na sagot ni Rachelle.
"Tigilan niyo nga ako," sabi ko na lang. Pero sa loob-loob ko ay lihim akong natutuwa.
Tumunog ang cellphone ko nang may pumasok na text mula kay Damon.
Damon:
I'm at the parking lot, baby. Let's go home.
Napangiti ako. Tumayo na rin ako at nagpaalam sa dalawa. "Uuwi na ko, nariyan na ang sundo ko."
Pero sa halip na hayaan akong umalis, sumama pa silang dalawa sa akin. Anila'y gusto nilang makita si Damon at kilatisin. Naabutan namin siyang nakasandal sa hood ng kanyang sasakyan. Nasa magkabilang bulsa ang kanyang mga kamay, at seryosong nakatitig sa akin. My heart pounded loudly, as if it knew that Damon was staring at me.
"Girl, hindi 'yan mortal. Diyos yan!" Mariing bulong ni Mika sa akin. Tawa lang ang sinukli ko sa kanya. Lumapit si Damon sa amin, at agad na hinapit ang baywang ko. Pinakilala ko si Rachelle at Mika sa kanya bago kami sumakay sa kotse. Nagulat pa ako nang makita ko si Zach na nakaupo a backseat.
"Hi. Long time no see," nakangisi niyang saad.
"Nice to see you again." Nginitian ko siya.
Ilang sandali pa ay pumasok na rin si Damon sa sasakyan. Hindi ko maiwasang ipagkompara silang dalawa. Damon has dark, mysterious eyes and he always looked so serious. Meanwhile, Zach has that friendly aura, and his eyes were playful. Kabaliktaran ni Damon.
Pagdating sa bahay ay dumiretso sila sa patio para doon ipagpatuloy ang kanilang meeting habang nag-iinuman. Naligo muna ako at nagbihis, saka ako pumunta sa kusina para magluto ng hapunan naming tatlo at pulutan nilang dalawa.
Sinalin ko sa mangkok ang sisig na niluto ko, nilagay sa tray at saka ako pumunta sa kanila. Halos isang oras na rin silang nag-iinuman, kaya malamang gutom na rin sila.
Pinagmasdan ko sila habang seryosong nag-uusap. Hindi ko gaanong marinig dahil malayo pa ako sa kanila, ngunit habang papalapit ako ay unti-unti ring lumilinaw sa pandinig ko ng pag-uusap nila. At dahil nakatalikod sila sa akin, hindi nila napansin ang pagdating ko. Tinapik ni Zach ang balikat ni Damon bago siya nagsalita. "You're doomed, man. Dapat ay sabihin mo na sa kanya ang totoo bago pa mahuli ang lahat."
Kumabog ang dibdib ko. Ako ba ang pinag-uusapan nila? Ano'ng dapat kong malaman?
Para akong napako sa kinatatayuan ko nang marinig ko si Damon na nagsalita. "I can't do that, bro. I'm afraid that if she will find out about the truth, she will eventually leave me. I don't want to lose her."
"That's your choice. Basta, binalaan na kita. Walang sikreto na hindi nabubunyag," seryosong sambit ni Zach.
Sinalakay ng kaba ang puso ko. Hindi ko maintindihan. Ano'ng pinag-uusapan nila?
Ano'ng sikreto?
Ano'ng kailangan kong malaman?