CHAPTER FOURTEEN

1822 Words
"Hmm. . . You smell so damn good, baby," bulong ni Damon sa tainga ko. Iniwas ko ang mukha ko sa kanya, at huminga nang malalim. "What's wrong?" He asked. I can sense his genuine concern, but because of what I heard, nagkaroon ako ng maliit na duda sa lahat ng sinasabi at ginagawa niya. Para bang may mali sa mga kilos at salita niya. "Hey. . . Are you okay?" malambing niyang tanong. I sighed. Gustong-gusto ko siyang tanungin, ngunit pinangungunahan ako ng takot ko. Wala akong sapat na lakas ng loob para malaman at harapin ang katotohanan. "I'm sorry, Damon. Pagod lang ako," sambit ko. Ayaw ko siyang tingnan dahil natatakot akong mabasa niya sa mga mata ko ang pagdududa at takot. Gusto kong sa kanya mismo manggaling ang totoo, kung ano man ang tinatago niya sa akin. "Alright, we'll just sleep tonight," bulong niya. He planted a soft kiss on my temple, and I almost felt myself tearing up. "Goodnight," he said. Tumango ako at tumalikod sa kanya para itago ang pamumuo ng mga luha ko. Hindi ko na alam, pero kahit ano'ng sweetness pa ang ipakita niya, hindi pa rin maalis-alis sa isipan ko ang mga narinig ko kanina. Maybe I was just overthinking, but I can't deny that whatever I heard has affected me. Sumibol ang munting duda sa puso ko, at nagsimula akong magtanong sa sarili ko. No matter how many times I brushed those thoughts away, at the end of the day, they all come back inside my mind to haunt me. Sinubukan kong lagyan ng distansya ang mga katawan namin, ngunit sa tuwing lumalayo ako ay mabilis niya akong hinihila palapit sa kanya. Sa tuwing susubukan kong lumayo ay lalo niyang hinihigpitan ang yakap niya. At kahit may munting duda sa puso ko, hindi ko pa rin maiwasang makaramdam ng seguridad at kapayapaan sa kanyang mga haplos at yakap. Nababaliw na ba ako? Posible bang makaramdam ng kapayapaan sa bisig ng isang tao na pinagdududahan mo? Siguro nga posible, kasi ganoong-ganoon ang nararamdaman ko. Lumipas pa ang mga araw, nagpatuloy ang ganoong pakiramdam ko. At simula nga noon, naging mapagmatyag ako sa bawat kilos ni Damon. I also realized how I'd decided so hastily, without trying to know him first. But I told myself, I was desperate that time! Pero ngayong hindi pa rin gumigising si Tatay kahit na mahigit tatlong buwan na, at patapos na rin ang first semester namin, nagsimula akong isipin kung tama nga ba ang naging desisyon ko? Was it only right to risk my heart, and everything I have for something that doesn't have any assurance? Sumikip ang dibdib ko sa mga bagay na gumugulo sa isipan ko. Ang isipin na posibleng hindi na magising si Tatay ay unti-unting nagwawasak ng puso ko. I wanted him to live, but my hope is slowly deteriorating. Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit maayos naman na ang kanyang mga tests, even his bruises and other fractures had already healed, but he's still asleep. I sighed, and let out a nervous sigh. I cleared my thoughts, and pushed those painful thoughts away. Hindi ngayon ang tamang oras para mag-isip ng mg negatibong bagay. In fact, I should start praying now dahil dito nakasalalay ang kinabukasan namin. "Hey," si Kirby iyon. Bumaling ako sa kanya at nakita ko ang malungkot niyang ngiti. Hindi man kami madalas mag-usap, but I know he's been observing me. "Hi." I greeted him awkwardly. "Napansin kong ilang linggo ka nang matamlay. I won't ask what he did to you, but please know that I'm here if you need someone to talk to," he offered. Of course, he knew about him. Damon was indeed serious when he said he'd kiss me anytime and anywhere he wants. And the school premises isn't an exception. It doesn't help that he didn't even care if someone can see us. I sighed, ngayon ko lang din natanto na nagbago siya. Umiling ako kay Kirby. I don't want to entangle him into my situation. "Let's not talk about it, Kirb. We've got a thesis defense in a few minutes. Iyon na lang ang pagtuonan natin ng pansin." I told him. "Tama ka. I'm sorry," he apologized. "And yeah, good luck sa atin. We will survive this," aniya pa. Ngumiti ako kahit na halos lumabas na ang puso ko sa sobrang kaba at bilis ng t***k nito. Nasa loob pa ng Audio Visual Room ang iba naming kaklase habang kami naman ay naghihintay sa labas. Nagulat pa ako nang tumunog ang cellphone ko at nakita ko ang pangalan ni Damon. Lumayo ako sa mga kaklase ko, at nakita ko pa ang pagsunod ng mga mata ni Kirby sa akin. "Hello," bulong ko. "Why are you whispering? Where are you?" His voice was serious and cold. "Nasa school ako, Damon. Ikaw ang naghatid sa akin dito, 'di ba?" nagtataka kong tanong pabalik sa kanya. "Who are you with? Hindi ba't sabi ko sa'yo layuan mo ang lalaking iyon?" He asked. Tumindig ang balahibo ko at malakas na kumabog ang puso ko. Paano niya nalaman na nagkausap kami ni Kirby? Nandito ba siya? Luminga-linga ako sa paligid, ngunit puro mga kaklase ko lang ang nandoon, at pati na rin ang ibang mga estudyante ng University. Is he bluffing? "I'm not there, baby. I'm just making sure that you're not with that punk," ganoon pa rin ang kanyang boses, inis na inis. Bumuntong hininga ako, at aaminin kong nakahinga ako nang maluwag sa sinabi niya. Hindi ko alam kung kailan ako nagsimulang matakot, siguro simula noong gabing pinarusahan niya ako. "Magkasama kami, Damon, pero hindi katulad ng iniisip mo. Sinabi ko na sa'yo noon, magka-grupo kami sa Thesis. At nandito kami ngayon sa Audio Visual Room para sa defense namin. I'm not doing anything wrong," I said, submissively. "Good. Maigi na iyong nagkakaintindihan tayo, Cassandra. Just thinking of you and him together makes me feel so jealous, and when I'm jealous, I get so turned on that I just want to go home and beat you to exhaustion," his voice became sensual, making my heart beat faster. Pinikit ko ang mga mata ko. Sa tuwing nagkakaganito si Damon ay para bang hindi ko siya kilala. It's like he's a completely different person whenever he's jealous. I feel flustered, and when I looked around, I can see Kirby's pained eyes. He looked away, and just in time, Mika and Rachelle waved their hands to tell me to prepare. "Damon, I have to go. Kami na ang susunod." "Alright, baby. Good luck with your defense. I know you can do it. I'll see you later, and we'll celebrate." He encouraged me. Kahit papaano ay lumakas ang loob ko dahil sa sinabi niya. I said my goodbyes and went back with my group mates. "Kinakabahan ako! What if hindi tayo makapasa sa defense?" Si Mika. Panay ang kiskis niya sa mga kamay niya at halata sa pamumutla niya na kinakabahan siya. "Hoy! Huwag ka ngang ganyan, kinakabahan na rin tuloy ako!" reklamo ni Rachelle. "Girls, relax. Kaya natin ito ito. We've prepared for this, remember?" Nginitian ko sila para kahit papano ay maibsan ang kabang nararamdaman nila, kahit na sa totoo lang ay nanginginig na rin ako. Lumapit si Kirby sa amin. "Let's just stick to our main point. And do what we practiced. Ang importante, alam natin ang lahat ng information para kahit na sino sa atin ang tanungin, may isasagot tayo. Kaya natin ito, guys," pagpapalakas niya ng loob namin. Bago kami tawagin sa loob ay nagdasal muna kaming apat. We held each other's hands, and closed our eyes for a brief prayer led by Kirby. "Lord God, please grant us the strength for this defense. Provide us the knowledge and wisdom to answer all their questions correctly, and guide us through as we face the panelists who will decide our fate for today. We know nothing is impossible with you. Amen." Pinisil niya ang kamay ko. Maybe it was the prayer, or his assurance that made us all feel at peace. Nang makapasok kami sa loob ay naroon na ang limang panelists habang binubuklat ang Thesis namin. Ang totoo niyan, we've prepared for this for weeks. Ilang beses kaming nagsanay ng mga sasabihin namin, ngunit iba pala talaga kapag kaharap mo na ang mga panelists. Ang lahat ng kahandaan namin ay para bang lumipad sa kawalan. Nandoon ang Thesis Adviser namin, ang Dean ng College of Education, and University President at dalawa pang matataas na opisyal ng University. For a moment, we became silent and speechless, and just like that our heartbeats started racing once again. Tumikhim si Kirby at nagsimulang magpakilala, tulad ng napagkasunduan namin. "Good morning everyone. My name is Kirby Lacuesta, and these are my group mates, Anna Cassandra Mondreal, Mika Jane Ferrer and Rachelle Anne Castro. We are here to present our Thesis. . ." Kirby's confidence was dripping as he spoke. Hindi naglaon ay kanya-kanya na kami sa pagpepresenta ng mga parte namin. Habang nagsasalita ay nakatingin kami sa mga panelists, at napansin naming tumatango-tango sila. They fired us questions, but since we've prepared for it, we have answered all of their questions confidently and smoothly. After what seemed an eternity, they clapped. Para akong nabunutan ng tinik dahil doon. "Congratulations! You have a very impressive Thesis. I'm proud of you!" Ani ng Thesis Adviser namin. Habang palabas kami ay tinawag naman ang susunod na grupo. I was still sweating, para bang hindi pa nag-si-sink in sa akin ang nangyari. "Is it for real? Hindi ba ako nananaginip?" Mika asked, pinching her own cheeks. "Ouch!" "Apparently, not. Oh, my God! We did it! We really did it!" si Rachelle. I closed my eyes. Oh my, God! We did it! We survived our thesis defense! Hindi ako makapaniwala. Happy tears started forming in the corner of my eyes. This is all for Tatay! Kaunti na lang, I'm almost there! Uminit ang mga mata ko at hindi ko na napigilan pa ang pagbagsak ng mga luha ko. Wala sa sarili ko silang niyakap isa-isa. And when it came to Kirby, I hugged him tighter and longer. "Thank you, Kirby!" I whispered. He's the best group leader anyone could ask for. But my happiness was short-lived. Dumagundong ang kaba sa dibdib ko nang may isang pares ng kamay ang humablot sa akin. My eyes were filled with horror as I looked at Damon's angry eyes. Behind him was Zach, hiding a mischievous grin. Umiling-iling siya na para bang sinasabi niya sa akin na lagot ako. "Damon—" "Congratulations, baby," mariin niyang bulong. Napalunok ako. I didn't have time to bid goodbye to my group mates. Bigla niya na lang akong hinila at binagsak sa passenger seat ng kanyang sasakyan. His eyes were dark with anger, and clouded with lust. And before I knew it, we were off the road with Damon driving like a madman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD