Chapter 16

2264 Words
Chapter 16 Ailey’s POV Ramdam ko ang tingin sa amin ng ilan habang palabas kami ng bar. Hindi ko na lang ‘yon pinansin, aba’t ang tatanda na’y mga chismoso’t chismosa pa rin. Tapos kung makapagsapakan naman ay akala mo nasa high school pa rin. “Ano?”tanong ko sa kanya dahil nakatingin lang siya sa akin. “Bakit parang ikaw pa ‘tong galit, Ssob?”tanong niya na pinagtaasan ako ng kilay. “Wow, sinong ‘di magagalit, talagang babasagin mo mukha kung hindi ka pa napigilan, bida bida ka, te?”sarkastiko kong saad sa kanya. Napanguso na lang siya at napakibit ng balikat. Inirapan ko na lang siya dahil dito. “Saka ano bang ginagawa mo rito?”tanong ko pa sa kanya. “Nagtaka ka pa talaga! Hinihintay kita, hindi ka nagrereply!”sabi niya na sinimangutan pa ako. Ako naman ang naguilty dahil do’n. “Akala ko’y kapag nakita mo na ako’y tatayo ka na pero talaga nga namang libang na libang pa sa pakikipagkwentuhan, Ailey.”sabi niya at napailing iling pa habang nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung matatawa ba ako roon o ano. “Pasensiya na, ang dami kasi nilang tanong saka nakakahiya namang umalis agad.”sambit ko na napanguso na lang na nag-iwas ng tingin. “I can see that, kaya nga saya saya mo pa e.”sarkastiko niyang saad kaya kinurot ko na lang siya sa tagiliran. “Ang dami pang sinasabi! Nandito naman na ako, tara na, late ka na ata, kanina pa ‘yon ahh?”tanong ko sa kanya. “Ayos lang, tara.”sabi niya at hinila na ako. Malapit lang naman pala sa bar na pinasukan ng mga kaibigan ni Liam ‘yon, nakarating din agad kami sa bar or should I say beerhouse? “Paano ka magddj dito?”tanong ko sa kanya dahil mga banda naman ang tumutugtog dito. “Well, ano kasi, basta. Tara do’n.”sabi niya na hindi alam kung paano magsasalita. Pinaningkitan ko na lang siya ng mga mata ngunit sumunod din naman sa kanya. Nasa may pinakaharap na kami ng mini stage dito sa beer house. “Kumain ka na ba? Order akong snacks.”sabi niya kaya tinanguan ko na lang. “Aba’t pinagloloko mo ba ako, Inocencio, huh?”tanong ko sa kanya. Alanganin naman siyang tumawa kaya napailing na lang ako at inabala na lang ang sarili sa pagkain. “Ang awiting ‘to’y para sa anak ko at sa babaeng bukambibig nito.”sambit“Buhay pa ba ang gabi niyo?”nakangiting tanong no’ng medyo may kaedaran ng vocalistavocalist ng medyo batang banda.bandang mayroong mukhang mas bata kaysa sa kanya. Napangiti na lang ako sa lamig ng tinig nito, ang sarap sa tenga habang umaawit ‘to, mararamdaman mo talaga ang emosiyon niya. Madaling-araw Magkatabi habang Atin ang gabi 'Wag ka nang mawala sa 'king tabi Maduming sala At malamig na alak Katabi ang bumubuo sa 'king Hating-gabi Napatingin ako sa gilid ko, napapikit lang si Ino habang pinapakinggan ang awit. Saktong alos dose ng madaling araw, I didn’t know that the guy beside me already became my comfort. Halika na Doon tayo sa Kung saan masaya Kalimutan ang lahat Hating-gabi na naman Bawat sandaling magdaraan Ay may istoryang ilalahad Samahan natin hanggang walang hanggan Madaling-araw Nandidiyan ka pa ba! 'Wag kang mapapraning Mahaba pa ang hating-gabi Sumasabay lang ako habang umaawit sila. Ang mga ngiti sa aking labi’y mas lalong lumawak ng pagkamulat ni Ino’y sa akin dumeretso ang tingin niya sa akin. Doon tayo maglalaro Doon tayo sa mundong papalayo Hating-gabi na naman Bawat sandaling magdaraan Ay may istoryang ilalahad Samahan natin hanggang walang hanggan Doon tayo maglalaro Doon tayo sa mundong papalayo Natatawa ko naman siyang pinagtaasan ng kilay dahil hindi naalis ang tingin niya sa akin. Binato ko na lang siya ng kung ano. “Ano ba, susuntukin kita.”sabi ko dahil tuluyan ng nailang sa titig niya. Natawa na lang siya at iniwas na rin ang tingin sa akin. Nagulat naman ako ng bumaba ang vocalist ng banda at lumapit sa amin ni Ino. Mukhang tapos na silang kumanta. Agad ko rin naman na napagtanto na ang Papa niya ito. Nanlaki ang mga mata ko at pinandilatan ng tingin si Ino na siyang iniiwas ang tingin sa akin pero nilingon niya rin ako nang makalapit na ang Papa niya. “Ley, si Papa. Pa, si Ailey, the friend I’m talking about.”sabi ni Ino. “Hello po!”maligalig kong saad kahit na talaga namang nataranta ako dahil dito kay Inocencio. “Kumain lang kayo at sagot ko na ang lahat ng kukunin niyo.”sabi nito sa amin. “Hindi na po!”sabi ko at umiling iling pa. Napatawa naman ng mahina sa akin si Ino, kahit kailan talaga’y ang pangit ng ugali ng hinayupak na ‘to, hindi man lang ako iniform na dadalhin niya ako rito. “Kakanta pa ulit kami, pasensiya na’t hindi ko kayo maasikaso ng maayos.”sabi niya kaya agad akong ngumiti at umiling. “Ayos lang po, ayos naman po kami ni Ino rito.”sabi ko kaya ngumiti naman siya bago bumalik ulit sa stage. Agad kong nilingon si Ino nang makaalis ang Papa niya. “Gago ka, bakit hindi mo sinabi?”tanong ko na sinamaan siya ng tingin. Saka bakit ba natataranta ako gayong magkaibagan lang naman kami, it’s not like I’ll be dating him or something. “I just want to let you hear how good my father voice is.”sabi niya kaya natigilan ako at napatingin sa kanya. Unti-unti naman akong napangiti roon. “Well, it’s really good, he deserve to be known, he’s brave to pursue his dream despite his age.”sabi ko at ngumiti sa kanya. “Last night, I was waiting for my classmate to come in our house para sunduin ako, siguro’y inabot na ako ng ilang minuto kahihintay kaya nainip ako at namasahe na lang ng pangsarili, wala pang ilang segundo’y nakita ko ang pagpasok ng kotse ng mga kaibigan ko sa kanto natin.”sambit niya habang nakatingin lang sa stage. “Laking panghihinayang ko, sayang pamasahe kako, sabi ni Mama sa akin pag-uwi, ‘hayaan mo, Nak, baka para sa tric driver talaga ‘yong pera mo’ but no.. I don’t think so, baka para sa akin talaga, sadyang hindi lang talaga ako nakapaghintay.”sabi niya at ngumiti. “That’s when I realize what you have said to me last time, he’s really cool right? To wait for his dream until this day onward.”saad niya kaya napatango ako agad ako sa kanya. Umuwi rin naman kaming dalawa nang matapos ang Papa niya, maayos din naman akong nakatulog ng gabing ‘yon. Kinabukasan ay agad ko siyang nakita sa labas ng bahay namin kaya agad ko siyang pinaningkitan ng mata. “Ano nanaman ginagawa mo rito, mamaya pang alas nueve ang pasok mo ahh?”tanong ko sa kanya. “Oo, magrereview ako sa library. Halika na.”sabi niya pero tinitigan ko pa rin siya. Natatawa na lang niya akong hinila. Nagtungo naman na kami sa school. Hindi niya rin naman ako ginulo dahil nagbabasa ako ng ilang papers ko. Maski nang nasa school na kami’y iginigilid niya lang ako kung sakaling may mababangga. “Talaga nga atang sila na, galit na galit daw si Ino kagabi e.”dinig kong saad ng isang estudyante kaya napakunot ang noo kong ibinaba na ang hawak hawak ko. Nagkatinginan naman kami ni Ino at napakibit na lang ng balikat. “’Yan, napaghahalataan tuloy na patay na patay ka sa akin.”natatawa kong saad sa kanya. “Amfee, ikaw nga ‘tong crush na crush ako.”mapang-asar na saad niya kaya natatawa na lang akong napailing sa kanya. “’Yan na library, ssob.”turo ko sa library. Inihatid niya pa rin ako sa classroom kaya hinayaan ko na. Katulad ng dati’y pakaway kaway pa rin ito habang paalis. Napangiti na lang akong pumasok sa classroom. Agad nagbulungan ang mga kaklase ko na siyang sanay na sanay naman na ako. Hindi ko na lang din pinansin at inabala na ang sarili sa pakikinig. “I’m sorry for what my friend said last night, Ailey.”sambit ni Liam nang nasa cafeteria kami para kumain. Kasama ko si Ino at katulad ko’y may baon din ito, mabuti nga’t hindi kami pinapaalis dito gayong parehas naman kaming walang balak bumili ng pagkain. “Kung guilty ka pala’y dapat sinuntok mo rin.”sabi naman ni Ino na siyang kaswal na kaswal ang tono habang tumutusok ng ulam sa tupperware ko. Tinusok ko na lang din ang kinukuha niya at sinubo sa kanya. “Manahimik ka nga.”sabi ko kaya sinimangutan niya ako. Sinamaan ko lang siya ng tingin bago ko binaling kay Liam. Nginitian ko naman ito. “Ako nga dapat ang humihingi ng tawad, Liam, pasensiya ka na, nagulo pa ata ang party mo dahil sa akin.”sambit ko na nahihiya. Umalis na raw kasi si Liam no’ng umalis kami. Nakakahiya naman na nasira ko ang party nito. Guilty tuloy ako dahil do’n. “No, it’s okay, kami ang nanggulo, wala kang kasalanan.”sambit niya. “Libre na lang kita!”nakangiti kong saad sa kanya para naman makabawi ako kahit paano gayong naging mabuti ‘tong kaibigan sa akin. “Talaga?”tanong niya na medyo naexcite pa. Tumango nsman ako at nginitian siya. “But don’t expect ng mahal ahh, libre kita diyan sa labas ng school.”natatawa kong saad. Masaya naman siyang tumango. Napatingin naman ako sa katapat kong si Ino na siyang nakasimangot na tinutusok tusok ang tocino’ng baon niya. Mukha pa siyang iritado habang nakatingin do’n. “Ano? Parang balak mo ng durugin ‘yang tocino mo ahh?”natatawa kong tanong nang umalis na si Liam sa harap namin. “Wala, mas masarap kasi ng durog.”ngumiti pa siya ngunit halata namang sarkastiko. Napatawa na lang ako sa mukha nito kaya inirapan niya ako. “Oh, saan ka pupunta?”tanong ko nang mag-ayos na siya ng mga gamit niya at tatayo na sana. “Papasok na.”walang gana niyang saad. “Ahh, okay, gesi, study well!”natatawa kong saad at napakibit na lang ng balikat. Pumasok na rin naman ako sa last subject ko kalaunan ngunit agad akong nagulat nang makita si Ino sa classroom namin nang matapos ang klase. “Ano nanamang ginagawa mo rito, Inocencio?”tanong ko sa kanya na naniningkit ang mga mata. “Papalibre?”nakangisi niyang tanong at inakbayan na ako palabas ng classroom. “Ano? Suntukan na lang, pangfishball lang pera ko para sa’yo.”sabi ko na siniko siya ngunit hindi naman bumitaw. Napalingon tuloy sa amin si Liam na siyang mukhang naghihintay din sa akin. “Sorry, Liam, may epal kasi na gustong sumama.”sabi ko at ngumiti pa sa kanya. Inalis ko ang pagkakaakbay ni Ino, hindi na rin naman niya binalik ngunit malapad pa rin ang ngiti. “Oo nga, may epal kasing gustong sumama.”sabi pa niya na patango tango habang nakatingin kay Liam. Napakunot naman ang noo ni Liam sa kanya. “Tara na.”sabi ko sa kanila at nauna ng naglakad. Parehas naman silang nasa likod at parang nagtutulakan pa. Nilingon ko naman silang nang nakakunot ang noo. “Ano bang ginagawa niyo?”tanong ko na sinamaan ng tingin si Ino. “Aba’y bakit parang sa akin ka galit?”tanong niya na napahawak pa sa kanyanh dibdib. Imbis na magalit ay napatawa na lang tuloy ako sa kanya. Nang makalabas ay gusto pa sanang gamitin ni Liam ang kotse niya kaya lang ay malapit lang naman ang fast food chain dito sa tapat ng school. Pumasok naman kaming tatlo. “Pucha magpapalibre ka talaga?”tanong ko sa kanya. “Oo, birthday ko rin naman.”sabi niya kaya agad akong napalingon sa kanya at napaawang ang labi. “True ba?”medyo gulat kong tanong dahil hindi ko naman talaga sigurado ang birthday nito. Natawa lang siya’t napakibit ng balikat, mukhang inaasar lang naman talaga ako. Naging maayos naman ang pagkain namin, halos kami lang ang nag-uusap ni Liam dahil ayaw ko naman na maout of place ito. Pauwi na kami nang magtext sa akin ang Mama ni Ino. Aling Madel: Hija, kasama mo ba si Ino? Kanina pa ang mga bisita niya rito. Uwi na sana kayo. Ako: Opo, Tita, hala, birthday niya po? Aling Madel: Oo, hija, halina kayo rito. Napalingon naman ako kay Ino nang matapos kong kausapin ang Mama nito. “Luh, bakit hindi mo sinabing birthday mo?”tanong ko sa kanya. “I told you, hindi ka lang naniwala.”natatawa niyang saad. Napanguso naman ako at nangalikot sa bag ko. “Talikod ka.”sabi ko at ginamit ang likod niya para magsulat sa papel na kinuha ko sa bag. “Hi, you can use this paper to ask the one who give you this anything you want once she’s already successful (Huwag namang mahal, Ssob, baka maghirap ako bigla hehe. Suntukan na lang kapag nanghingi ka ng bahay at lupa) Happy birthday!” Inabot ko na sa kanya ang papel ng matapos kong sulatan. “I don’t have any money to buy you something. Sa ngayon..”sambit ko. “Happy birthday, Inocencio!”nakangiti kong saad at niyakap siya ng mahigpit bago ako tumakbo patungo sa kanto namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD