Chaptet 17
Ailey’s POV
Halos mapatalon sa gulat si Ino nang hawawakan ko siya sa balikat. Napahagalpak naman ako ng tawa dahil sa kanya.
“Parang gago, Cabrera.”supladong saad jiya sa akin siyang tinawanan ko lang naman. Gabing gabi na ngunit abalang abala pa rin ito sa pag-asikaso ng code chuchuness sa laptop niya. Seryosong seryoso pa ang mukha niya habanh ginagawa ‘yon.
Madalas kasi talagang dito siya sa labas ng bahay nila gumagawa ng kung ano. Sa may bakuran, ang dilim dilim na nga’y hindi pa pumasok sa loob.
“Hindi ka ba pinapapak ng lamok dito, Ssob?”natatawang tanong ko sa kanya dahil wala namang ilaw sa bakuran nila.
“Wala ng lamok, tulog na.”saad niya na hindi pa rin inaalis ang mata sa laptop niya. Ang bilis pa nitong magtipa habang nakatitig lang do’n, hindi ko naman maiwasang pagmasdan lang siya. Wala naman na akong pasok bukas kaya wala na akong kailangan pang gawin pero usually kapag mayroon ay parehas lang kaming nakatambay ni Ino rito. Start na kasi ng sembreak sa susunod na araw, sina Ino ata’y sa susunod pang araw kaya abalang abala pa rin siya hanggang ngayon.
Nakakapagpaturo rin kasi ako sa kanya minsan, although kapag wala lang itong ginagawa which is ayos lanh naman sa akin dahil parehas lang naman kaming dalawa na may pinagkakaabalahan sa buhay. I really find my comfort to him, kahit hindi kami magsalita’y ayos lang.
Nangalumbaba ako habang nakatingin sa kanya. Ginagaya ang madalas niyang gawin kapag siya ang unang natatapos sa aming dalawa. Nilingon niya naman ako at pinagtaasan ng kilay.
“Tigilan mo nga ako, Ailey.”natatawa niyang saad at binalik pa ang tingin sa computer niya. Napatawa naman ako ng mahina ngunit hindi ko pa rin inalis ang tingin sa kanya. Napapikit pa ang mga mata niya, saka ko lang napansin ang mahaba niyang nga pilikmata. Nilingon niya ulit ako at hindi alam kung matatawa ba sa akin o maiinis. Natatawa naman akong lumapit pa lalo sa kanyang tabi at nangalumbaba na lang sa kanyang laptop.
Wala naman akong naiintinidihan sa mga tinitipa nito ngunit nanatili pa rin akong nakatingin do’n. He’s genius that’s what they said. No’ng nakaraan nga raw ay may pumuntang software engineer sa department nila para bisitahin siya. Ang sabi’y pinag-aagawan na rin siya ng mga company kahit na hindi pa naman ito tapos sa pag-aaral. Kumbaga, hinihintay na lang nilang makagraduate at viola, may trabaho na ito agad.
This time, siya naman ang nilingon ko. Sobrang lapit tuloy ng mukha naming dalawa dahil maski siya’y nilingon din ako. Nagkatitigan kaming dalawa bago niya ako pinagtaasan ng kilay. Napatikhim naman ako at umayos ng upo.
“What’s your dream?”hindi ko maiwasang itanong habang nakatingin na lang sa laptop niya.
“Hmm, I actually want to gain experience and make my own technology company someday.”sambit niya, ramdam ko ang tingin niya sa akin ngunit hindi ko na siya nilingon pa.
“Ikaw? What’s your dream?”tanong niya sa akin.
“Talaga bang pangarap mong makapangasawa ng mayaman?”tanong pa niya sa akin.
“Why? Balak mong mag-apply?”natatawa kong tanong na nilingon na siya ngayon.
“Nako, saka na kapag mayaman ka na.”natatawa ko pa ulit na saad. Napanguso lang naman siya habang nakatingin sa akin.
“Amfee mo talaga.”natatawa niyang saad sa akin kaya napatawa na lang din ako.
“I don’t really understand myself, I just want to marry someone rich ‘cause I don’t want to let my kids see na minamaliit lang ang Mama’t Papa nila ng nga taong feeling superior.”natatawa kong saad at napakibit na lang ng balikat.
Hindi ko naman na siya ginulo pa kalaunan dahil gusto ko na rin naman siyang matapos sa ginagawa. Gusto ko man siyang tuluyan ngunit alam kong wala along maitutulong pagdating do’n.
Kinabukasan, maaga akong nagising dahil nakarinig ako ng ingay mula sa bahay, ang lakas pa ng tawanan ng mga bruha nang madatnan ko na nasa kusina at kumakain na ng almusal na niluto ni Mama.
Sasawayin ko sana sila ngunit agad kong nakita kung sino ang nasa screen, kusa na lang akong napangiti nang makita ko si Dolo.
“Here na pala si Ley, Dolo.”nakangiting saad ni Rest habang nakatingin sa akin. Kasama niya si Dani na ang aga aga’y nambubwisit nanaman. Inasar kaagad niya ako tungkol sa kung ano kaya hinagisan ko na lang siya ng kung anong madampot na siyang tinawanan niya lang naman.
“Hey, ano na, Dolo?”tanong ko nang nakangiti. Mas mukha na siyang maayos kumpara no’n, ang kulay ng buhok ngayon ay kulay itim sa itaas at kulay asul naman sa ibaba. Mukhang nalilibang talaga siya sa pagpapalit palit ng kulay do’n. Mas lalo pa itong sumexy.
Napatawa naman ako ng ininggit niya kami sa lugar kung nasaan siya.
“You won’t even invite us diyan?”natatawang tanong ni Rest sa kanya.
“Niyan na, busy pa kayo.”nakangiti niyang saad.
“By the way, your dad—“hindi pa natutuloy ni Rest ang sasabihin ay mabilis agad nitong naagapan.
“I think I need to go na, I have so many lakad pa today, wala naman meng tsekot dito, call you guys soon! I love you!”nakangiti niyang saad na pakaway kaway na pinatay ang tawag.
Nagkatinginan naman kaming tatlo dahil dito. Sinubukan ko na ring ibring up sa kanya ang mga nangyayari dito ngunit hindi ko natutuloy dahil iniiba niya ang usapan o ‘di naman kaya’y bigla na lang may lakad ‘to kaya minsan ay hindi ko na lang din sinasabi dahil minsan ko na lang din ito makausap ng matino, although, lagi naman namin siyang kausap nina Rest, ‘yon nga lang ay madalas tatlo kami.
“I tried to talk about that no’ng nakaraan ngunit mukhang hanggang ngayon ay ayaw pa rin niya. She’s still hurting, mukha lang siyang ayos but she’s not.”nakangusong saad ni Rest. Matagal tuloy kaming natahimik dahil do’n, nabasag lang ang katahimikan namin nang magpaalam na si Mama na aalis.
“Ano palang ginagawa niyo rito?”tanong ko sa kanila.
“We want you to come with us tutal ay wala ka naman ng klase, may fashion show kami.”sabi ni Rest sa akin.
“Hard pass, Sissy.”sabi ko at sumimsim na lang sa kape na nasa lamesa.
“Marami pa akong trabaho.”sabi ko at napakibit pa ng balikat. Agad namang lumapit sa akin si Dani.
“We actually need PA, girl, may bayad naman ‘yon no! Hindi ka naman magbabakasiyon lang, sige na.”pamimilit niya.
“Magkano?”tanong ko naman. Sinabi naman nila ang presyo at parehas pa akong pinilit. Sumang-ayon na rin naman ako kalaunan, ang sabi kasi nila’y wala raw ang PA na dapat isasama nila sa private resort. Nagkaroon ng biglaang lakad.
“Mag-impake ka na.”sabi ni Dani kaya halos mabugahan ko siya ng sinimsim na kape.
“Sira ka ba? Kakasabi niyo lang ahh!”reklamo ko sa kanya.
“Dali na. Naipagpaalam ka naman na namin kay Tita, no need to worry.”malapad ang ngiting saad ni Rest sa akin.
Parehas pa nila akong hinila ni Dani papasok sa kwarto ko. Ang nga ito’y hindi ko alam kung nagmamadali ba o sadyang pinagtitrip-an lang talaga ako.
“Hindi ko pa ba kukunin ang ilang gamit mo rito, Dani?”tanong ko kay Dani na siyang abalang abala sa paglalagay ng mga damit sa maleta ko, ganoon din naman si Rest. Halos sila nga lang ang nag-aayos.
Binalik na ang condo ni Dani at minsan minsan ay inaanyayahan na siya ng Daddy niyang sumama sa kanila sa dinner. Masaya talaga ako para sa kanya.
Tinawagan ko rin si Mama kahit na sigurado naman talaga akong nakapagpaalam sila. Ayaw ko lang ‘tong mag-aalala kung sakali.
“Ma, nagpaalam po sina Rest?”tanong ko kay Mama.
“Oo, Anak, no’ng nakaraang linggo pa nila sinasabi sa akin. Mag-iingat kayo.”sabi niya kaya agad akong napatingin sa dalawa. Hindi ko namang maiwasang pagtaasan sila ng kilay, hindi ko alam kung ngayon lang talaga sila nagkaroon ng oras para sabihin sa akin o ano. Hindi naman nila ako pinansin at nagkunwari pang nagkukwentuhan, style talaga ng mga ito.
Maya-maya lang ay pinapaayos na nila ako, kaya pala bihis na bihis na ang mga ito, ni wala akong kaplano planong sumakay sa kotse nang tuluyan ng makapag-ayos, nakita ko pa ang maleta nilang nasa likod na rin ng kotse.
“Hindi naman talaga halatang nakaplano na kayong umalis ngayon no?”tanong ko sa kanila. Pumito lang si Dani habang si Rest ay natawa na lang na tinabihan ako.
Medyo naguluhan pa ako nang makarating kami sa airport at may mga kumuha na nang gamit namin.
“Akala ko ba’y private resort lang?”naguguluhan kong tanong sa kanila.
“Yeah, private resort sa new york.”natatawang saad naman ni Dani kaya agad ko siyang kinurot sa tagiliran.
“Totoo ba?”tanong ko na nanlalaki ang mga mata. Natatawa namang tumango si Rest at pinakita ang passport ko, meron naman talaga akong passport ngunit hindi ko lang talaga nagagamit dahil wala naman akong perang pantravel.
“Wala ng atrasan, Sissy, nandito na here.”nakangiting saad ni Rest at hinila ako patungo sa mga kasama nilang models. Hindi pa rin nagproproseso sa akin na magtutungo akong overseas ngayon, hanggang sa makasakay na sa eroplano ay tulala lang ako.
“Talaga bang pumayag si Mama?”tanong ko kay Rest.
“Oo, tumulong pa nga siya sa pag-aayos niyang passport mo, well, birthday gift na namin sa’yo ni Dani, alam naming hindi ka papayag kung sakali.”sabi niya sa akin.
“Anong birthday gift ka diyan! Malayo pa birthday ko!”natatawang saad ko dahil next next week pa ‘yon. Napakibit na lang siya ng balikat.
First time kong sumakay ng eroplano kaya medyo nag-aalinlangan pa ako habang nakaupo. Napalingon pa ako sa himapapawid, ilang oras din siguro akong ganoon habang ang mga kaibigan ko’y sobrang sarap ng tulog. Kalaunan ay nakatulog din naman ako.
Ilang oras lang ang biyahe namin hanggang sa tuluyan na kami makarating sa new york. Namamangha lang ako habang nakatingin sa salamin, naglalakihan ang mga buildings. Well, gusto ko ng mga bagay na bago sa aking paningin.
Nang makarating kami sa isang private resort ay kanya kanya ng tungo ang mga models sa sari-sarili nilang mga rooms. Ang tatangkad pa ng mga iyon kaya nakatingin lang ako sa kanila.
“Hey, Ai.”nagulat naman ako nang makita ko ang isa sa schoolmate namin nina Rest.
“Uy, Hi!”sabi ko at ngumiti, pagkakaalam ko’y kabatch lang namin ‘to, friend ata ni Rest.
“Sissy, that’s Van, Van, my bestfriend Ailey, I know you know her. Lagi mong tinatanong number sa akin e.”natatawang saad ni Rest kaya pinamulahan ng mukha si Van. Natawa na lang ako roon. Madalas namang magpakilala si Rest sa akin, madalas na matitino rin naman.
“Ailey.”nakangiti kong saad at naglahad ng kamay. Malapad ang ngiti naman nang tinanggap niya ‘yon. Umalis na rin naman kami ni Rest kalaunan.
“You look good together.”sabi sa akin ni Rest kaya pinanliitan ko siya ng mga mata.
“Sabi ko naman sa’yo, tigil tigilan mo na ‘yang pagrereto mo sa akin dahil hindi na talaga ako interesado.”natatawa kong saad sa kanya. Nauna nang nagtungo sa kwarto niya si Dani, kasama ‘yong isa niya pang kaibigan na handler ng event. Magkasama kasi sila sa room.
“Talaga bang sigurado ka na diyan kay Ino.”nag-aalinlangan niyang tanong. Hindi ko naman maiwasang mapanguso dahil do’n.
“Wala naman akong sinabing si Ino ang dahilan ahh?”nakanguso kong tanong sa kanya.
“Sissy, I already know na agad, diyan pa lang sa mga tingin tingin mo’y alam ko na agad, you already like him, right?”tanong niya sa akin.
“But please, Ley, refrain yourself to fall for him hard. I don’t want you to get hurt.”sambit niya naman na nag-iwas ng tingin. Para bang may alam na hindi ko alam, para bang may gustong sabihin ngunit hindi rin masabi.
“Luh, wala lang ‘yon no! Magkaibigan lang kami.”natatawa ko na lang na saad. How can I refrain myself to fall when I already did?