Chapter 26 Ailey’s POV “So you really apply to your ex company?”natatawang tanong sa akin nina Dolo habang umiinom kami ng alak dito sa bar sa New York. Nandito rin ang boyfriend niya kasama ang boyfriend ni Everest. “At nakapasa ka?”natatawang tanong naman ni Rest. “Don’t get me started.”naiiling ko na lang saad sa kanila. “It was one of the biggest software company in the philippines, I think I can handle being a financial adviser there saka ano ba kayo? Kahit ipaputol ko daliri ko, siguradong hindi kami magkikita no’n e. Ang lawak lawak kaya ng kumpanya niya!”natatawa kong saad bago ako sumimsim sa inumin ko. “Hay nako, Girl, ewan ko lang, huh?”nakangising saad naman Dolo sa akin. “Halos limang taon na ang lumipas, mga sis, sigurado akong wala ng kahit ano pa sa aming dala

