Chapter 27 Ailey’s POV “Nandito na po, Ma.”napangiti na lang ako ng tipid do’n. “Hindi na kailangan ng sundo, Ma, kaya ko naman pong magcab.”sambit ko. “Wala na, papunta na diyan ang Kuya mo, hintayin mo na lang.”sabi niya kaya napabuntong hininga na lang ako at walang choice kung hindi ang hintayin na lang si Kuya. Baka next week pa din dumating ang kotse ko, sa manila ko na rin ito pinadala. Maya-maya lang ay nakita ko naman na si Kuya Jackson na palapit sa akin kasama si Rocky. Agad akong napangiti ng makita ang cute na cute kong pamangkin. “Rocky!”nakangiti kong saad at niyakap ‘to ng mahigpit. “Tita, pasalubong po.”sabi ng cute na cute kong pamangkin kaya napatawa na lang ako. “Sus, hindi mo ba namiss si Tita?”natatawa kong tanong sa kanya at mahigpit siyang niyakap.

