Chapter 30 Ailey’s POV “Ang tagal niyo naman ni Mama, Kuya!”reklamo ng kararating lang na si Isagani ngunit nang makita ako’y halos lumuwa na ang mga mata. “Ate!”malakas niyang sigaw kaya natatawa na lang ako nang pagalitan siya ng sales lady. “Hala, si Rocky ba ‘yan?”tanong niya sa akin. “Aba’t updated ka masiyado!”natatawa kong saad habang palabas na kami ng botique. Nauunang maglakad si Mama at Tita habang kasunod kami, si Ino’y nasa likod lang namin. Nanahimik. “Ang cute niya sa personal, Ate!”sabi niya at kinurot pa sa pisngi si Rocky kaya kinagat nito ang kanyang daliri. Napatawa naman ako dahil do’n. “Huwag mo kasing hawakan, nangangagat ‘yang ng hindi niya kilala.”natatawa kong saad. “Rocky, say hi to Tito Isaw.”sabi ko kay Rocky. Napanguso naman si Rocky. “Hello

