Chapter 31 Ailey’s POV Maaga akong nagising para pumasok, mahirap na baka abutin ako ng anong oras kung late na ako lalarga. Pagkarating ko sa may safe sea ay dire-diretso ako sa elevator ngunit agad akong naharang ni Chady. “Good morning, Ailey!”nakangiti niyang saad kaya agad ko rin siyang nginitian. “Good morning din, Chady.”bati ko sa kanya. Kasama ko ito kagabing kumain, pasasalamat na rin. Hindi mahirap makasundo si Chady, mabait naman kasi ito. “Kumusta ang tulog mo?”tanong niya kaya napatawa ako. “I don’t know? Paano ko malalaman? Tulog ako?”natatawa kong tanong sa kanya. Napanguso na lang siya doon. “Anong floor ka?”tanong ko dahil napindot ko na ang 11th floor kung saan ang opisina namin. “Sa 16th floor, Ailey.”sabi niya kaya napatango ako. Nag-usap lang naman k

