Chapter 32 Ailey’s POV “Oo ‘yan, huwag kang mag-alala, hindi naman mapapansin ng asawa mo, mayroon silang stag party, Girl!”pandedemonyo ko kay Rest. Patawa tawa lang naman si Dolo dahil ako lang naman ‘tong single sa aming tatlo at ako lang ‘tong ready to mingle. Nagdadalawang isip pa rin kasi ito hanggang ngayon kahit na naayos naman na namin ni Dolo ang lahat. Imbis na kami ang mag-ayos kay Rest, siya itong nagbihis at nagmake up sa amin, ganoon din naman sa kanya. Ilang araw na lang ay kasal na nila ng magiging asawa niya at halos araw araw silang dikit. Nagpaalam sa kanya na magtutungo raw sa kaibigan, kaunting inuman lang daw. Aba’t alam na namin ‘yon! Paniguradong may mga kasamang babae do’n. Aba, hindi naman pwedeng magpahuli si Rest no! “Enjoy-in mo na, Sis. Isipin mo na l

