Chapter 33 Ailey's POV Tahimik lang kaming dalawa habang nasa byahe, hindi ko rin kasi alam kung paano ko ito kauusapin saka bakit ko nga ba siya kauusapin. Ang dami dami kong tanong ngayon ngunit mas pinili ko na lang itikom ang bibig, ang mga kaibigan ko ang talagang raratratin ko ng tanong kapag karating ko roon. Aba't para akong binibugaw ng mga ito, talagang pagkukurutin ko ang mga singit kapag nagkita kami. "Last night.."paninimula ko, nanatili pa rin namang sa daan ang tingin niya. Supldao pa rin hanggang ngayon. "Ikaw ba ang naghatid sa akin?"mahinang tanong ko habang pinaglalaruan ang mga daliri. "Yeah."malamig na sagot niya. Parang gusto ko na lang ihulog ang sarili sa labas ng sasakyan. "Ano.. thank you.. sorry for the trouble.."sambit ko sa kanya. Matagal bago siya na

