CHAPTER 107 “Nandito kami para makiramay. Huwag naman sana ninyong masamain,” sagot ni Mayor. “Anong makiramay ang sinasabi mo? Ikaw ang pumatay sa asawa ko, ikaw ang bumaril sa amin kaya ang kapal ng mukha mong pumunta rito!” Nang pagkakataong iyon, gusto kong barilin siya. Gusto kong pagsampal-sampalin siya ngunit nagpigil ako. Hindi dapat malaman ng mga naroon na ako si Faith. Masisira ang lahat ng pagbabalatkayo ko. Ipapahamak ko lang si Warden na nagtiwalang walang ibang makakaalam sa pagpayag niyang paglabas-labas ko sa kulungan. Nagkatinginan kami ni Rocky. Sumesenyas siyang umalis na ako roon. Nakatingin si Gjiam sa akin. Parang kinikilatis niya ako. Pilit niya akong kinikilala. Yumuko ako. Tumango si Rocky. Nauna siyang naglakad palayo. Sumunod ako. Narinig ko ang sinabi ni G

