CHAPTER 98 Huminto ako nang nasa gate na ako. Nakita ko na kasi siya at para sa akin, wala na dapat kaming pag-uusapan pa. Akmang babalik na sana ako loob nang marinig ko ang boses niya. “Faith! Faith! Please! Sandali lang. Mag-usap muna tayo, please. Kailangan nating mag-usap.” Huminga ako nang malalim bago ko siya hinarap. Gusto kong mag-relax. Gusto kong harapin siya na parang wala na lang. Hindi ko itinuloy ang paglayo ko. Muli ko siyang hinarap. Tama. Kailangan nga naming mag-usap. Kailangan naming magkaliwanagan. Humakbang ako palapit sa kanya. Seryoso ang aking mukha habang titig na titig ako sa kanya. Gusto kong makita niya ang mukha kong wala na siyang epekto sa akin. Nakatayo lang siya. Hindi niya ako sinalubong kagaya noon. Hindi niya matagalan ang aking mga titig. Yumuko s

