CHAPTER 97 “Ano? Saan tayo pupunta? Lalabas ba tayo ng kulungan?” tinignan ko siyang puno ng excitement ang aking mukha. “Oo lalabas tayo,” nakangiti niyang sagot. “Talaga?” Tinignan ko ang pambisig kong orasan. Lagpas alas dose na ng gabi. “Tara na.” “Sandali, magpapalit muna ako.” “Hindi na kailangan.” “Ano ka ba? Nakakhiya namang ganito ang ayos ko.” “Lalabas lang naman tayo sa selda kasi sobrang init. Kung gusto mo, doon na lang tayo sa akin kaso nga lang nandoon sa isang bed si Tores. Makikita tayo.” “Ah, lalabas lang ng selda, hindi sa compound?” nadismaya kong tanong. Tumango siya. Natigilan, “Umasa ka na lalabas tayo ng compound? Gusto mo bang mawalan ako agad ng trabaho kapag makita sa CCTV at maisumbong ako?” “Sabi ko nga salabas lang ng selda,” sabi ko. “Gusto ko

