CHAPTER 101 Bago ako sumakay sa pampresong sasakyan ay mabilis na nakiusap si Daddy na kakausapin lang ako sandali. Pumayag naman agad ang mga jail officer. Pinagbigyan nila sina Daddy at Mommy ng hanggang limang minuto lang. “Anak, huwag kang mag-alala ha? Gagawan ko ng paraan. Mag-apila pa naman tayo, hindi ba? Maaring hawak ni Mayor ang hukumang ito ngunit ang mas mataas at iba pang korte. Pero ako nag bahalang gumanti. Gaganti ako anak para sa’yo.” Inulit muli ni daddy ang sinabi niya. “Dad, huwag na ho. Huwag na ninyong isipin pa ang gumanti. Gawin ninyo ang sa tingin niya ang makatutulong sa akin para makalaya pero huwag ho ang gumanti,” iyon lang ang sinabi ko. Ayaw kong sabihin pa sa kanila ang balak ko. Alam ko kasing mabuting tao si Daddy. Hindi niya gagawin ang kanyang sinab

