CHAPTER 100 “Hindi na ba magbabago ang pasya mo? Hihiwalayan mo na ba talaga ako?” Huminga muna ako nang malalim. Tinitigan ko siya sa kanyang mga mata at tumango ako. “Sigurado na ako. Kalimutan mo na lang ako. Lahat ng pangako natin sa isa’t isa, kakalimutan na natin.” “Salamat. Hindi ko makakalimutan ang araw na ito, Faith. Ito yung araw na tuluyan mo akong binitiwan.” “Ikaw ang unang bumitiw, Gjiam. Ikaw ang unang tumalikod sa pangako mo.” “Inaamin ko, kasalanan ko ang lahat. Aalis ako ngayon pero babalik ako. Hindi ko lang alam kung kailan, kung gaano katagal. Ni hindi ko alam kung may magagawa na ako sa sandaling magkita tayo pero pangako ko sa’yo, Faith, kahit hindi ka na sa akin naniniwala, babalik ako. Babalikan kita. Magbabayad ako sa mga naging atraso ko sa’yo.” “Kahit hi

