KABANATA 1

1417 Words
Kabanata 1 "Hmm." Dahan-dahan kong iminulat ang aking mata, malabo ang paningin ko pero ramdam ko ang malambot na kama sa aking likuran. Ano bang nangyari? Napakunot ang aking noo. Hindi man lang ako ginising nila Mommy nakarating na pala kami— Nanlaki ang mata ko sa naalala ko. The two van, men with guns, flashdrive and the forest! "Oh my God!" bulalas ko. Tatayo sana ako pero roon ko napansin may plaster cast ang kaliwa kong binti. Napatakip ako ng aking bibig nang unti-unti bumalik sa ala-ala ko ang mga nangyari bago ako mawalan ng malay. May humarang sa amin, may ibinigay si Daddy sa akin, tumakbo ako, nakarinig ng putok ng baril, nahulog sa bangin tapos . . . tapos dumating si kamatayan. "P-Pero buhay ako," bulong ko. Kung gano'n, hindi si kamatayan ang lumapit sa akin noon. Mariin akong pumikit, sunod-sunod na tumulo ang aking luha dahil naiisip ko na naman ang nangyari. They are gone, they killed my parents. Hindi ko alam kung ilang minuto akong lumuha hanggang matigil ako nang wala ng luha akong mailabas, masakit sa dibdib ko pero bakit gano'n? Wala akong maiiyak? Doon ko lang inilibot ang paningin sa lugar kung nasaan ako. Madilim ang kwarto pero masasabi kong malaki iyon, nakasara ang lahat ng kurtina at bintana kaya hindi ko alam kung umaga ba o gabi. Nasaan ba ako? Kahit hirap ay bahagya akong umupo. Tinitigan ko ang katawan ko. Madami akong sugat at gasgas sa aking braso at paniguradong mayroon rin sa mukha ko dahil may makirot sa gawing pisngi ko na natuluan ng luha kanina. "Buhay pa ako," hindi makapaniwalang usal ko. Kinapa-kapa ko ang aking sarili. Natigilan ako sa pag-iisip nang maisip kong iba na ang suot kong damit. Isang malaking t-shirt na kulay puti na iyon, dahan-dahan kong itinaas ang t-shirt doon ko nakita may suot akong isang boxer na panglalaki. Napakurap-kurap ako. Kanino 'to? Sino ang nagbihis sa akin? Kahit mahirap ay pinilit kong umupo sa gilid ng malaking kama, doon ko nakita ang bag ko sa gilid. Mabilis ko iyon kinuha upang i-check ang laman. Nakahinga ako nang maluwag dahil nandoon ang flash drive sa bulsa. Kailangan ko na maka-alis dito, kailangan ko makabalik. Kailangan mahuli ang mga hayop na gumawa ng masama sa pamilya ko. Naikuyom ko ang kamao ko sa inis at pumikit. Ano ng gagawin ko? Napaigtad ako nang bumukas ang pintuan. Lilingon na dapat ako pero kaagad din napatigil nang marinig ko ang isang baritong boses. "Don't! Don't turn around!" maawtoridad na wika niya. Hindi ako nakagalaw. Napalunok ako sa lalim ng boses niya. Ano raw? Bakit hindi pwede tumingin? Nakahubad ba siya? Magpapasalamat lang ako sa pagtulog niya. "Close your eyes." "H-Ha?" "Close your eyes and don't turn around." Kinalibutan ako sa boses niya. Ano bang mayroon? Bakit ako kinakabahan? Hindi dahil sa takot ang kaba ko, hindi ko maintindihan. Kahit naguguluhan ay sinunod ko ang utos niya. Pumikit ako, naramdaman kong tuluyan na siyang pumasok sa kwarto. "I-Ikaw ba ang nagligtas sa akin? S-Salamat," nahihiyang wika ko habang nakapikit. Pinakiramdaman ko siyang huminto sa aking gilid, hindi siya sumagot. Anong ginagawa niya? "Pwede na po ba akong dumilat?" tanong ko. Halos mapatalon ako nang maramdaman kong may tela siyang ibinalot sa aking mata. "A-Anong ginagawa mo?!" kabadong tanong ko, binalot ako ng takot. Kung ano-anong senaryo ang pumasok sa isip ko. "Just making sure that you won't see me," blanko ang emosyon sa kanyang boses kaya mas gusto ko siyang makita. Gusto ko mabasa ng emosyon sa mukha niya. "B-Bakit?" takang tanong ko. Naamoy ko ang mabango niyang amoy dahil malapit siya sa akin. "You can't see me, you don't have to see me." Nang mabuhol niya na iyon ay lumayo na siya sa akin na para bang ayaw pa niyang mahawakan ko siya. Nanghinayang ako, parang gusto ko pa siyang maamoy. Ang bango niya, nakakahiya dahil baka amoy kanal na ako. Bakit naman bawal ko siyang makita? Pilit ko inalala kung nakita ko siya no'n tinulungan niya ako pero hindi ko matandaan ang itsura niya. "I-Ilang araw na akong tulog?" tanong ko, pilit kinakalma ang sarili. Hindi pa rin ako dapat makampante sa kanya dahil hindi ko naman siya kakilala. Kung ayaw niya ako makita, ayos lang. Hindi ko siya kukulitin. "Two days." Napaawang ang aking labi. Naramdaman ko naman siyang umupo sa kama, sa gilid ko. Ang tagal ko palang nakatulog, panigurado may naghahanap na sa akin. "P-Pwede mo ba akong ihatid? Nasaan ba tayo? Kailangan ko ng umuwi, ang parents ko kailangan nila ako." Nangilid ang aking luha. "You can't leave now. There's a typhoon and also look at yourself, can't you see? You're still not okay. Ni hindi mo pa nga mailakad ang kaliwa mong paa." Kung ano ang kinaganda ng boses niya kapag nag-e-english ay gano'n rin sa tagalog. Malalim at matigas ang boses niya, lalaking-lalaki. Napanguso ako. "Paano ko makikita kung tinakpan mo ang mata ko." "Tsk." Hindi ako nagsalita, pero nalulungkot ako. Dahil gusto kong makita ang magulang ko, hindi pa naging maganda ang huling pag-uusap namin. "G-Gusto ko na kasing umuwi." "Fine! Do whatever you want. Sige lumabas ka. Hindi ka naman makakalayo, masyadong malakas ang bagyo. Okay, I already warned you. Kapag napahamak ka na naman, huwag ka makahingi ng tulong. Tsk." Narinig ko siyang naglakad palabas ng kwarto at malakas na pagsara ng pinto. Tinanggal ko ang blindfold ko at humarap ako sa nakasarang pinto. "Eh bakit ba galit na galit 'yon?" inis na wika ko. Hindi ko alam kung mabait ba siya o nagsusungit lang e. Bakit ba biglang nagalit 'yon? Normal lang naman na gusto kong umuwi. Napabuntonghininga ako at kahit mahirap ay tumayo upang pumunta sa bintana. Kumapit ako sa pader upang hindi ako matumba. Binuksan ko ang makapal na kurtina at tama ang lalaking masungit, sobrang lakas ng hangin sa labas at ulan. Kitang-kita ko ang paghampas ng mga nagtataasan puno dahil sa hangin. Wala ako ibang makita kung 'di mga puno. Nasa gitnang gubat ba kami? Siguro ay papatilain ko na lang muna ang ulan saka ako aalis. Napalingon ako sa pintuan nang may kumatok. "Close your eyes!" sigaw niya. Magwalk-out tapos babalik din pala. Napairap muna ako bago pumikit. Bakit kasi may papikit-pikit pa. Ang daming arte. Nanatili ang aking tayo malapit sa bintana, narinig kong bumukas muli ang pintuan. "Why are you there?" tanong niya. "Chine-check ko lang kung totoo ang sinabi mo." "What do you think of me? Why would I lie to you? Tsk." Lumingon ako sa kanan at doon nagmake-face. "Why would I lie to you—utot mo lie," panggagaya ko sa kanya. "I can see and hear you, lady." Narinig kong may inilapag siya dahil sa pagtunog no'n. Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin kaya mas napaatras ako sa bintana. "Alam ko," bulong ko. Inilagay niya ulit ang blindfold sa mata ko. "Bakit ba may pa-blindfold pa kasi? Pakiramdam ko tuloy papasok ako sa horror house—Hoy! Put me down!" Napahiyaw ako sa huli dahil bigla niya akong binuhat na parang hindi man lang siya nahirapan. "Ingay mo." Napakapit na lang ako sa balikat niya. Hanggang maibaba niya ako sa kama, malakas ang kabog ng dibdib ko. "You need to eat, here." May pinahawak siya sa akin na tingin ko ay kutsara. "Sigurado ka ba? Kakain ako na nakatakip ang mata?" "Do you want me to feed you?" deretsyong tanong niya. Bahagya akong natigilan, kumabog ang dibdib ko ulit pero mas malakas na ngayon. Ano bang nangyayari sa akin? Baka may sakit na ako sa puso. "H-Hindi na! Baka ano pa isubo mo sa akin," narinig ko siyang tumawa pero mahina lang iyon. "P-Pwede bang lumabas ka na muna? Kung ayaw mo makita kita labas ka muna kakain muna ako." Hinintay ko ang sagot niya. Ilang segundo siyang tahimik kaya nagsalita ulit ako, alam ko naman nasa gilid ko lang siya. "L-Labas ka muna." "Fine! After that, put your blindfold again," utos niya. Tsk, daming alam e. "Okay." Tumayo na siya, pinakiramdaman ko siya hanggang makalabas. Nang masigurado kong wala na siya ay dahan-dahan kong binuksan ang takip sa mata ko. Bumaba ang tingin ko sa madaming pagkain na nasa tray sa harapan ko. Gutom na gutom ako, sa totoo ay ayoko lang siya nandito baka kapag nakita niya ako kumain lalo't gantong gutom ako ay baka isipin patay-gutom ako. Susubo na sana ako ng mahagip ko ang aking daliri. Kunot-noong tinitigan ko ang nasa kaliwa kong daliri na kumikinang. Singsing? ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD