Kabanata 5 Nang magising ako kinabukasan ay mag-isa na lang ako sa kama niya. Pakiramdam ko ay binugbog ang buo kong katawan. Ang akala ko ay mamatay na ako sa sobrang pagod ko kaninang madaling araw. Ni hindi ko na matandaan kung ilang beses akong napaligaya ni Lucifer. Kinagat ko ang ibabang labi ng maalala iyon. Anong mukhang ihaharap ko sa kaniya ngayon? Paano kung pinagsisihan na niya 'yong ginawa namin kagabi? Paano kung paalisin na niya ako kahit bumabagyo pa sa labas. Paano kung sabihin niya hindi niya gusto 'yon? Napahawak ako sa dibdib ko. Parang may kumurot sa puso ko sa naisip ko. Napailing ako bago napabuntong-hininga. Hindi ko pinagsisihan ang nangyari sa amin dahil ginusto ko naman iyon. Ginusto namin dalawa kaya wala akong pagsisisihan. Napatingin ako sa suot ko, i

