Kabanata 3
"Ugh! Nakakainis! Bakit ako pumayag na lumapit siya ng gano'n? Gosh, baka isipin ni sungit crush ko siya. Hindi porket mabango ang hininga niya at matigas ang braso niya ay magiging marupok na ako!" inis na wika ko.
Nasa kwarto na ulit ako. Nakatitig ako sa kisame habang kusa kong naiisip ang mga nangyari kanina sa baba. Naiirita ako dahil gano'n na lang ang epekto niya sa aking katawan.
Nang sabihin niya sa akin ang pangalan niya ay hindi na ako nakapagsalita pa. Tumalikod siya at umakyat, siguro ay sa kwarto niya. Hindi ko alam, pagdilat ko ay wala na siya kaya bumalik na lang ulit ako sa kwarto.
Pangalan pa lang niya parang masama na ang ugali. Really? Lucifer? May magulang pa lang ipapangalan iyon sa anak nila.
Habang nakahiga ako ay hindi ko maiwasan maalala ang magulang ko, tahimik akong umiyak hanggang unti-unti na akong dinalaw ng antok.
***
NAGISING ako dahil sa isang ingay. Kunot-noo kong inilibot ang paningin sa kwarto, tumingin ako sa orasan na nakasabit sa pader para tingnan kung anong oras na. Mag-aalas-dos ng madaling araw pa lang.
"No! No! Don't! No please!"
Mas gumatla ang kunot sa aking noo dahil sa sigaw na iyon. Kahit hirap ay tumayo ako upang hanapin ang ingay na 'yon. Nag-aalala ako, dalawa lang naman kami ni sungit sa bahay kaya sigurado akong siya 'yong sumisigaw.
May kaaway ba 'yon?
Hirap man maglakad palabas ng kwarto, mas lumakas ang sigaw na nagmumula sa isang pintuan na katabi ng kwarto ko.
Nakahawak ako sa pader at patalon-talon na naglakad papalapit doon.
"No! No!"
Mas lumalakas ang sigaw ni Lucifer.
"Luc!" sigaw ko.
Kinapa ko ang door knob, nakahinga ako nang maluwag ng makitang hindi iyon naka-lock, mabilis na binuksan ko iyon. Sobrang dilim sa loob, wala akong makita pero naririnig ko siya sa kabilang gilid ng kwarto kaya dali-dali akong pumunta roon.
Nang tumama ang tuhod ko sa gilid ng kama ay kinapa ko na iyon saka naupo habang patuloy pa rin siya sa pag-ungol at pagsigaw animong may iniinda.
Nang mahawakan ko ang kamay niya ay kaagad kong hinawakan ang balikat niya kahit wala akong makita, ramdam ko ang kahubaran ng kanyang itaas na katawan dahil wala akong nakapang-damit.
"No! Please!"
"Luc! Lucifer wake up! s**t!" niyugyog ko siya.
Kinapa ko ang mukha niyang pawis na pawis. Kinabahan ako dahil parang hindi niya ako naririnig, ano bang nangyayari sa kanya. Nasaan ba kasi ang pesteng ilaw na 'yan?
"Lucifer!" bahagya kong tinapik-tapik ang kanyang pisngi.
Ramdam ko ang malambot niyang pisngi, sobra akong kinabahan dahil pabaling-baling siya sa kama.
Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi bago ako lumapit sa kanyang mukha, malapit sa tainga nagbabakasaling magising siya. "Luc! Si Yngrid 'to please gumising ka na! A-Ano ba?!" Nangilid ang luha ko sa takot.
Hindi ko alam bakit gano'n na lang ang kaba at takot ko kahit kakakilala ko lang sa kanya. Siguro dahil alam kong tinulungan niya ako kaya gusto ko rin siyang tulungan. Natatakot akong mawalan ulit.
Patuloy ako sa pagbulong sa kanya.
Pauulit-ulit ko siyang tinatawag habang hinihimas ang malambot niyang pisngi.
Hanggang sa unti-unti siyang tumigil sa pagbaling. Ang mabilis niyang paghinga ay unti-unti ng naging normal. Tumigil na rin siya sa pag-ungol, bahagya akong lumayo sa kanya. Pilit kong inaaninag ang kanyang mukha pero masyadong madilim sa kwarto kaya ni katiting na liwanag ay wala akong makita.
"Luc?"
Napasinghap ako nang kabigin niya ako papalapit sa kanya dahilan para mapasubsob ako sa kanyang hubad-barong dibdib habang nakaupo pa rin sa gilid ng kama.
Nahigit ko ang aking hininga, ramdam ko ang init sa kaniyang katawan. Ipinalupot ni Lucifer ang kaniyang kanan braso sa aking beywang habang ang isa niyang kamay ay hinimas ang aking buhok.
"Thank you," paos na bulong niya sa akin.
Hindi ko alam pero napangiti ako sa ginawa niya, kinakabahan ako pero ang sarap sa pakiramdam ng kanyang yakap, masarap din na na-appreciate niya ang simpleng ginawa ko.
"L-Lucifer ang h-higpit naman," komento ko sa yakap niya.
Narinig ako ang mahina niyang tawa dahil sa sinabi ko, hinalikan niya ang buhok ko. Napapikit ako dahil sa ginawa niya.
"Sorry If I wake you up to my disgusted noise," bulong niya.
Umiling ako, bahagya kong itinulak ang sarili ko paupo. Nang makaupo ako sa kama ay naramdaman kong umupo rin siya.
Gusto kong makita ang kanyang mata pero dilim ang bumabalot sa buong kwarto.
"A-Ayos lang. Ano bang nangyari sa'yo?" mahinahong tanong ko.
Narinig ko siyang bumuntonghininga, kinapa niya ang kamay kong nilagyan niya ng singsing saka iyon hinalikan. Kumabog ang dibdib ko sa ginawa niya. Bakit ba hindi ko magawang tumanggi sa mga kilos niya?
"I've been having a lot of trouble sleeping," wika niya habang dinadampi-dampian ng halik ang likod ng aking palad animong iyon ang nagpapakalma sa kanya.
Why are you doing this to me Lucifer? Why I can't reject you?
Pinakiramdaman ko lang siya, hindi ako sumagot. "It was about my M-Mother."
Parang piniga ang puso ko dahil doon, naalala ko si Mommy.
"W-What happened?"
Nanigas ako sa pagkaka-upo nang ipalibot niya ang braso sa aking beywang, ulit.
"She died ten years ago." Sandali siyang tumigil sa pagsasalita bago magpatuloy, bahagya niya pang hinihimas ang aking beywang. "How about you Yngrid? What happened to you?"
Napabuntonghininga ako. "M-My parents died days ago . . ." Parang may kutsilyo sunod-sunod na tumusok sa puso ko. "N-Noong araw na nakita mo ako, iyon ang araw na may humarang sa sasakyan namin. Sobra akong takot, wala akong nagawa kung hindi tumakbo nang tumakbo." Kaagad kong pinunasan ang luha sa aking pisngi. "A-Akala ko nga ikaw si kamatayan, kukunin ako." Natatawang dagdag ko.
Hindi ko alam pero naging madali sa aking sabihin iyon, kusa na lang lumalabas sa bibig ko. Siguro dahil kahit papaano ay gusto kong mailabas ang sakit sa dibdib ko.
"Kamatayan?"
"Hmm." Tumango pa ako kahit alam kong hindi naman niya ako nakikita. "Kasi gubat iyon, pakiramdam ko wala ng tutulong sa akin. Bakit ka nga pala nandoon?" tanong ko sa kanya.
Para akong tanga nakikipag-usap sa kanya kahit hindi ko naman siya nakikita, kung hindi ko hawak ang kamay niya ay iisipin kong wala akong kasama.
"I was walking outside when I heard a woman voice, then I found you there."
"Naglalakad ka sa gano'n lugar?"
"I'm living in the middle of the forest."
"Bakit?"
"I want to be alone."
Hindi na ako nakasagot. Humigpit ang yakap niya sa aking beywang.
"Wala ka bang k-kasama rito?" Baka naman may asawa na siya. Ano kayang itsura niya? Gusto kong makita.
"I'm alone here."
Hindi ako gumalaw ng maramdaman kong hinalikan niya ang balikat ko.
"A-Anong ginagawa mo Lucifer? B-Bakit ganyan ka sa akin? Hindi mo ako ganon ka-kilala . . ." naguguluhan tanong ko.
Hinawakan niya ang pisngi ko.
"I'm alone. I feel alone. Noong makita kita iyon ang unang pagkakataon na may humingi ng tulong sa akin pagkaraan ng madaing taon. Ikinulong ko ang sarili ko rito. I know this is being selfish if I say I want you to stay with me here. I want you beside me." Naramdaman ko ang lungkot sa kanyang boses.
Nakakabigla na sa kabila ng hindi namin gano'n kakilala ang isa't-isa ay ramdam ko sa sarili ko na nagtitiwala na ako sa kanya.
Kinagat ko ang ibabang-labi.
"I can be your friend, Lucifer."
Napalunok ako nang naramdaman ko lumapit ang kanyang mukha sa aking pisngi at doon bumulong.
"I don't wanna be your friend, I wanna kiss your lips Yngrid."
***
SaviorKitty