Naupo sa isang couch si David. Matinding karibal si Conner. Dati na silang rival nito noon pa man. Humigpit ang pagkakahawak niya sa kopitang may lamang alak. Hindi ito titigil hangga't hindi nito nakukuha ang gusto. Like what happened before. Siya ang minahal no'ng babae. Ang masaklap lang. Wala siyang gusto sa babae. Pero si Conner ang super obsessed. Naikuyom niya ang isang kamao. F-ck! Ipaglalaban niya siyempre si Yana. "Senyorito, hinahanap po kayo ni senyorita, Yana," pukaw ng isang kawaksi kay David. Kasalukuyan siyang nakaupo sa swivel bar stool. Napalingon siya dito. "Papuntahin mo siya rito," utos ni David. Magalang na napatango ang naturang kawaksi at tinungo ang kinaroroonan ni Yana. "Senyorita, pinatawag po kayo ni senyorito, David," ani ng kawaksi. "Nasaan ba si, David?"

