Hindi akalain ni Yana na ilang tambak nang papeles ang yayakapin niya. Gosh! Para siyang nilulunod sa nakikita. What the! This is very unfair! Napasulyap siya sa pwesto ni David na kasalukuyang busy rin sa ginagawa. Magkatapat lang naman ang kanilang mesa. Nakanguso siya habang inaayos ang sandamakmak na mga papeles. Mababaliw na siya kung ano'ng uunahin niya. Napahilot siya sa sariling sentido. Nang biglang tumunog ang kanyang cellphone sabay sulyap kay David. Nakasalubong niya ang kulay asul nitong mga mata. Her breath hitched. Damn it! "Turn off your phone," may awtoridad na utos ni David sa dalaga. "I'm sorry sir, nakalimutan kong patayin," maagap na sagot ni Yana. Damn! Si Clyde ang tumatawag. Tiyak na magtatampo ito kung papatayin niya ang tawag. Napasulyap siyang muli kay David.

