Napatili si Yana nang maramdaman ang naturang kalmot ng matulis na kuko ng naturang hayop. Naalarma naman sina Levi at Mike. Pati si David ay nagulat din sa babaeng katabi. Agad na lumapit ang isang kawaksi sa kinaroroonan ni Yana at kinuha ang hayop na nasa ilalim ng upuan ng dalaga. "Ahh!" mahinang daing ni Yana. "What happened?" si Mike. "Oh, gosh, David. Ano'ng nangyayari?!" bulalas ni Levi. "Relax, Mama. Hindi pa siya mamamatay sa kalmot ni Lily. I can handle this, sige na kumain na lang kayo ni Papa at gagamutin ko lang itong binti ni Yana," kalmadong tugon ni David sa ina. "Argh! Okay lang po ako," napangiwing tugon ni Yana. Nakuha pa niyang ngumiti sa magandang Ginang. "Nakalmot ka ba ni Lily o nakagat?" Bakas sa mukha ni Levi ang labis na pag-alala para sa dalaga. "N-

