Dumating sila sa mismong Italian Restaurant. Sabay na umibis sila mula sa kotse. Pansin agad ni Yana ang ilang mga kababaihan na napapalingon sa gawi nila. Lihim s'yang napairap. Whatever, sino ba naman ang hindi mapapalingon sa hot n'yang kasama. Kasama lang naman n'ya ang kanyang fiance. Si David Montenegro. Narito sila para sa isang kliyente. Si Mr. Cheng. Pagpasok pa lang nila sa entrance ng restaurant halos mabali na ang leeg ng ilang babae nang mapagtantong isang Montenegro ang naroon. Hindi naman iyon napapansin ni David dahil busy ito sa sariling cellphone. Si Yana lang ang nakaka-sense sa ano mang nangyayari sa kanilang paligid. Nang mapasulyap s'ya sa ilang nagkumpulang grupo ng mga babae. Tinarayan agad s'ya ng mga ito sa paraan na pagtaas nang kilay at pag-irap. Hindi n'ya iy

