Kabanata 84

2122 Words

Nagising si David na wala si Yana sa kanyang tabi. Natampal n'ya ang sariling noo. Maybe, nasa kwarto ni Phoenix iyon natutulog. Bumalikwas s'ya nang bangon. Napailing s'ya sa sarili. Ni hindi pa pala s'ya nakapagpalit ng damit. Tumayo s'ya at tinungo ang banyo. Matapos maligo dumiretso agad s'ya sa kwarto ni Phoenix. Ngunit wala si Phoenix sa kwarto nito at wala rin si Yana. Biglang binundol nang kaba ang kanyang puso. Tinungo n'ya ang kwarto ni Hendrix. Wala rin doon ang anak. Damn it! Umigting ang panga ni David. "Manang Melba!" tawag n'ya sa naturang mayordoma ng kanilang mansion. Malakas ang kanyang tinig na tila nagbabanta nang malakas na dilemma. Halos magkukumahog namang pumanhik sa grand staircase ng mansion ang naturang mayordoma at hinarap agad s'ya. "Sir, a-ano po 'yon?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD