"You don't have to say, yes. Alam ko na naman kung ano'ng sagot mo," nakangiting tugon ni David sa dalaga. Hinarap niya ang nakangiting judge. "Umpisahan mo na, judge." Napakalawak ng ngisi ni Meriam. Sa wakas, ikinasal na din si Ate Yana niya at ang pinsan niyang si David. Hindi niya akalain na siya ang isasama ng pinsang si Israel. Isa sila sa magiging witness ng kasalang magaganap. Actually, ambush ang matatawag niya sa kasalang ito. Makalipas ang ilang minuto. Nag-umpisa na ang judge. Ilang minuto rin ang lumipas saka narinig ang 'you may kiss your bride.' Maririnig ang palakpakan nina Meriam at Israel. Napaluha si Yana. Damn! Walang-humpay ang kakaibang t***k ng kanyang puso. Pinakatitigan siya ng binata, tila gusto niyang sumigaw sa sobrang kilig, amoy niya ang mabango nitong hi

