"Hindi ko na kailangan pang sagutin ka ng I love you, too. Alam mo na ang sagot do'n. David, sobrang saya ko. Alam mo ba?" lumuluha pa ring tugon ni Yana. Kasalukuyan silang nasa isang private seawall na pagmamay-ari mismo ng mga Montenegro. Nagpaalam si David kay Hercules na i-date siya. Nais sana ng binata na dalhin siya sa Paris, but she decline his invitation. Masyadong magastos. Kaya ang ginawa ni Yana. Nag-request na lamang siya kay David na padalhan ng mga relief goods ang mga katutubong Aeta na nasa Sitio Manibukyot sa Capaz Tarlac. "I know, and thanks for loving me unconditionally, sweetheart," saad ni David. Kaharap nila ang dagat, kasabay ng pagsalubong ng mabining hangin sa kanilang mukha. Malinaw ang naturang dagat. Sumasalamin ang kulay asul na kalangitan doon. Nakaupo sila

