"Ano'ng sadya mo?" Hindi maitatago ang inis sa boses ni Yana na may halong sarkasmo. "You win sa mga bintang na hindi naman totoo, how could you do that, Brenda? Alam kong alam mo ang totoo. Base na rin sa planong ginawa mo, hindi ba?" "Narito ako para ipaliwanag sa'yo ang lahat at humingi na rin ng kapatawaran, Yana. Gusto kong makinig ka mun—" Hindi na pinatapos pa ni Yana si Brenda. Lumapit siya rito at dumapo sa kabilang pisngi nito ang isa niyang palad. Maririnig ang malakas na lagapak ng naturang samapal na ipinatikim ni Yana sa babaeng kaharap. "Kulang pa 'yan sa mga ginawa mong pagsisinungaling!" mahina pero may diing tugon ni Yana. "You deserve it, b*tch!" Nagulat si Brenda, hindi niya inaasahang salubungin siya ng sampal ni Yana. Sapo niya ang kabilang pisngi. Halatang malak

