"Hey, wake up!" gising ni Zai sa kaibigan. Kanina pa niya ginigising si Yana na panay ang sambit sa pangalan ni David. Niyugyog niya ang balikat ng kaibigan. "Nagising si Yana. Pagdilat niya ng kanyang mukha. Bumungad sa kanya ang mukha ni Zai. Pansin niya ang nag-aalalang mukha na nakatunghay sa kanya. "You're dreaming. Still, calling out his name," taas kilay na saad ni Zai sabay iling. "Ikaw ba naman ang in love," si Yana. Pupungas-pungas pa siya. "Whatever! Minsan gusto na kitang sampalin sa kahibangan mo. Kalimutan mo na ang lintik na David na 'yan. Mas gusto ko pa iyong si Conner. He's hot, drop dead gorgeous. And I think, he's a perfect match for you, halatang mahal ka nang tao," palatak ni Zai. "Tinapat ko na si Conner, Zai. I told him na kaibigan lang talaga ang turing k

