TUB-18 Lihim at Liham

1520 Words
Kanina pa ako nakabalik sa kwarto ko mula ng nanggaling ako sa kwarto ni Misha ay nanatili lang akong tulala sa hawak kong sobre na lihim ng aking Mommy na naiwan n’ya. Ibig sabihin ba ang naka plano talaga ang pag-alis n’ya. Sa kanilang dalawa mas biktima ako ‘yung kakulangan nila at issue ako ang naiwang nakabitin hanggang ngayon. Hindi ko naman kasalanan siguro na nabuo ako para walang gusto na manatili sa akin at piliin ako. Sa huli na pag-desisyonan ko na rin na basahin ang nilalaman ng liham. Para sa mahal kong anak Rex, Sa panimula pa lang gumihit na ang samu’t saring emosyon gaya ng sakit, lungkot, pag-asam at pangungulila.Hindi ko naramdaman na ang naiwan sa aking magulang kahit minsan binigyan ako ng pagmamahal. Muli ay tinuloy ko ang pagbasa. Maaaring sa panahon na mabasa mo ito anak ay nasa hustong gulang ka na. Anu man ang nakaraan namin ng iyong ama ay labas ka roon anak ko. Maraming nagawang mali si Mommy nabulag ng maling pagmamahal na ‘di kayang masuklian tandaan mo anak ang mali ay mali pa rin. Nagpapasalamat pa rin ako sa diyos kahit maling mali ako binigay ka n’ya sa akin sa lahat ng mali sa buhay ko anak ko ikaw ang tama at patuloy na mananatiling tama. Bahagya akong huminto dahil sulat palang dama ko ang pagmamahal na noon ko pa hinangad napaka makapangyarihan pala ng pag-ibig ng isang Ina. Hindi impokrita ang aking Ina aminodo s’ya sa lahat ibinaling ko muli ang aking atensyon sa sulat sa nanlalabong patingin buhat ng luha na gusto ng kumawala. Patawarin mo si Mommy kung kailangan ni Mommy na maagang mawala hindi ko man gusto na maiwan ka pero ito ang makakabuti para sa lahat. Alam ko hindi ako nagawang mahalin ni Ren salot ako sa buhay nila ng kakambal ko. Lahat ng ‘yun tiniis ko mula ng malaman kong dinadala kita sa sinapupunan ko hindi ko na hinangad na mahalin n’ya ako. Ang tanging hiling ko lang ay tanggapin at mahalin ka n’ya para sa akin sobra pa s sobra ‘yun. Kaya anak kung sakali man patawarin mo sanang paulit ulit si Mommy sa mga nagawang mali alam kong ikaw sa mga panahon ngayon ang nahihirapan but believe me Mommy will come by the time that your so down. I Love You Anak higit pa sa kahit ano at kahit sino Mommy will always guide you and follow your heart anak.. Mommy Breanette… Hindi ko mapigilan ang unti unting paghikbi ko at pag-alog ng balikat kahit sulat lang ay tahasang naitawid ng aking Ina ang kanyang pagmamahal sa akin. Maaring mali s’ya sa mga naging desisyon n’ya pero mali rin si Dad. Hindi nagawa ni Dad magpakalalaki at mas pinili n’yang paulit ulit kaming saktan kaysa ayusin ang lahat ng gusot. Nagkakamali s’ya kung iniisip n’ya na madali na ang lahat ngayon hindi ako papayag na ang kaligayahan ko ang patuloy na mag suffer at maudlot dahil sa mga paniniwala n’ya sa Benida na ‘yun. Kahit konti ay wala akong maramdaman na lukso ng dugo para sa babaeng kapatid ko ibang pakiramdam ang binibigay n’ya sa akin. Nang maka-recover ba ako muli kong ibinalik sa sobre ang sulat na galing kay Mommy. Tinungo ko ang aking closet sa isang kahon na tanging mga importanteng bagay lang ang nakalagay doon ko ito inilagay. Pakiramdam ko lahat ng rebelasyon ay sobrang nagbigay sakin ng sobrang pagod kaya agad kong gininda ang banyo at naligo mag pahinga muna ako tutal mahaba pa ang oras bago ang hapunan. Mabilis lang ang ginawa kong pagligo at ng matapos ay nagbihis agad ng sweatpants at white shirt. Sinigurado ko munang tuyo na ang aking buhok bago nahiga sa kama unti unti akong dinala ng antok hanggang makatulog ako. “Anak, anak ko . Rex gising na si Mommy ito”kaagad akong nagdilat isang pamilyar na mukha ang aking nabungaran kamukha ito ni Tita Benida pero higit na maamo ang taglay ng iang ito kaya agad pumasok isip ko ang na ito ang aking Ina. “Mommy?Ikaw nga ba ‘yan?”tanong ko habang kumukurap kurap ang mata ko. “Ako nga anak! kamusta ka mahal ko?mababakas sa mukha ang sobrang isipin at problema anak. Lagi mong tatandaan na ginagabayan kita anak nasa tamang daan ka kaya magpatuloy ka lang. ‘Wag mong hayaan na daigin ka ng iba babalik din ang mommy malapit na for now lumaban ka muna anak ko”puno ng kasiguraduhan na sabi ng mommy habang hinapalos nito ang aking pisngi at muling nagsalita. “Aalis muna ako anak kailangan kong bumalik na para makabalik din ako kaagad mahal ko. Maaaring pisikal ay wala ay wala ako pero damhin mo sa puso mo dahil d’yan ako mamanahan para hindi ka mawala at malungkot.”Pagpapatuloy nito habang unti unti lumalayo sa akin na pa piksi ako akmang hahabol ng kumaway ito at sinabing “Sa tamang ora babalik ako para sayo anak ko hintayin mo ako anak” iyon lang at nawala na ang imahe nito. “Mommy… M~mom…..”Bigla akong napabalikwas sa tagal ng panahon na nawala si Mommy ngayon n’ya lang ako dinalaw sa panaginip malakas ang kutob ko na buhay ang aking Ina dahil sa paulit ulit na sabi nito na babalik s’ya para sa akin. Halos hapong hapo ako sa panaginip na ‘yun talo ko tumakbo ng napakalayo. Napatingin ako sa digital clock halos 30 minutes lang akong nakatulog paanong nangyari ‘yun parang ang tagal na. Dahil hindi na ako makatulog ay pinili kong bumangon na at magtungo sa balkonahe dala dala ko ang laptop ko at nag umpisa na bisitahin ang iba kong mga trabaho na gagawin tutal tapos na ang pagpasok sa State university. “D~doctor M~Marasigan, Doc “ isang kumosyon sa isang pribadong hospital isang nurse ang sumigaw upang pukawin ang atensyon ng may hindi naman katandaan pang resident doctor. “Ano ‘yon nurse Carlyn?”tanong ng doctor sa nurse na tili maluha luha sa saya. “Doc, nakita ko po na gumalaw ang kamay ni patient X doc maganda sign po ‘yun diba?”puno ng pag asa na sabi ng nurse. Ito ang matagal na nag-aalaga sa kay patient X ilan na ang hinalinhan nito at ito rin ang pinakamatagal at pinaka may malasakit. “Let me check her first”sabi ng doctor at sinuri na ang pasyente na tumagal naman humarap ito sa nurse at sinabi ang resulta ng pagtingin sa pasyente. “Mukhang sa tagal ng panahon nurse Carlyn may chansa na magising ang alaga mo, stable na rin matagal ang vital signs n’ya. Patuloy mo s’yang kausapin malaking tulong ‘yun para mas mapabilis ang pag-gising n’ya good job nurse Carlyn”May tuwa na sabi ng doctor at itinuro din ang palabas ibig sabihin ay nagsasabing uuna na umalis ng silid. Nang makalabas ang doctor sinipat nito ang ang dextrose ng pasyente bago umupo sa upuan na malimit nitong pag tambayan. Pribadong nurse s’ya ng pasyente sa loob ng apat na taon tanging kanang kamay lang ng amo ang humaharap sa kanya maganda ang sweldo at maraming benepisyo basta ang loyalty at safety ng pasyente n’ya ay ay sigurado n’ya. “Gising kana para matuwa naman ang amo ko, at para naman magkakilala tayong personal hindi ako nanghihinayang na wala na kong alaga mas ikakatuwa ko kung gumising kana sabi nila maraming taon ka na d’yan bago pa kita alagaan. Baka hinahanap kana ng pamilya mo o ‘di kaya ng anak mo kung meron man.”pagkasabi nito ay bahagya gumalaw ang daliri nito. “Mukhang malapit na nga masayang masaya ako sa oras na dumating ‘yun”magiliw na sbi ni Carlyn habang panay ang ayus sa kumot ng alagang pasyente. Samantala sa labas ng silid naman ay may kausap si Doctor Marasigan sa cellphone nito. “Hijo, Magandang balita mukhang nalalapit na ang paggising n’ya. Napaka laki ng naging improvement n’ya for the past 4 years napakahusay ng nurse na nag-aalaga sa kanya itinuturing itong pamilya konti na lang magbabalik na s’ya”Masayang balita ng doctor sa kausap nito. “Salamat naman po ninong hindi ako nagkamali na d’yan s’ya dalhin at ipagkatiwala sa inyo. It’ been six years Nong kung susumahan halos labing apat na taon ang lumipas sa buhay n’ya kailangan na s’yang makabalik. Salamat ulit Ninong”Sabi nito sa kausap na doctor at namatay na rin ang tawag. Sana’y na ang ninong nito sa kanya alam na ang ugali nito kaya hindi ito isang kabastusan nababanaag pa ng doctor ang taos pusong pasasalamat nito. Anim na taon na pala nga ang nakalipas ng dalahin ito ng tauhan ng kaibigan n’ya mula noon at mag pahanggang ngayon ay tutok na tutok sila sa pasyenteng ito. hanggang makalipas lang ang apat na taon ang inaanak na ang laging kausap tungkol sa babaeng pasyente. Hindi man hilingin ng mga ito ay taos puso n’yang aalagaan ang pasyente dahil isa ito sa mga taong umukupa ng puso n’ya. Hinding hindi n’ya malilimot ang lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD