TUB-19 Fall

1474 Words
Unti unti kong minulat ang aking mata napalingon ako sa bintana na kahawi pa ng kurtina. Siguro nasa lagpas alas singko na mahaba na rin ang na itulog ko ang sarap sa pakiramdam isa na ito sa pinaka-payapa na tulog ko. I feel so safe sa bahay na ito kahit pa alam kong may malaking problema at gulo ang naka-abang. Hindi ko alam kung ano pa ang mangyayari sa mga susunod na bukas hangga’t wala pang Benida tahimik pa. Pero sa krakas ng babaeng ‘yun malabong manahimik ‘yun kahit may ultimatum na panahon na ito nabigay masyadong excited. Hindi ko mapunto anong gusto nito e, mayaman naman ang pamilya nila anong plano pa n’ya ang maging sobrang yaman pa. Alam kong may mas malalim na dahilan pa. Nagtagal ako sa gano’n na pwesto kung anu-ano na ang pumasok sa isip ko na pwedeng mangyari sa amin. Kamusta kaya ang pag-uusap ni Rex at Daddy nito?. Sana naman hindi ako pahirapan ng lalaking ito ayoko ng komplikasyon ngayon ngayon saka na pg sure na ang ang resulta. Two weeks sabi ng taong inalapitan ko mailalabas n’ya ang resulta. Hayst isang araw nga lang ang hirap ng umiwas. Sana maging busy ang lalaking ito para naman laging wala ako panigurado na kulong muna dito. Bumangon na ako pakiramdam ko kahit natulog lang ako ang lagkit ko kahit naligo naman ako kaya I decided to take a quick shower. Almost 10 minutes lang agad din na pumili ako ng damit na akma sa dinner namin mamaya wish ko lang wala si Benida baka ‘di na naman ako matunawan ng kinain pag kasabay namin ang babae na ‘yun. Feel na feel kasing maging manipulator. Anong akala n’ya may say pa s’ya s buhay ko?. Padadamahin ko muna s’ya bago ko pailalim na titirahin at sasabayan na labanan. Wala na ang batang Adi na gusto lagi ang pansin n’ya at pagmamahal na ibigay na ‘yun sa akin nina Nana at Tata sa matagal na panahon. Isang simpleng bestida lang ang pinili ko nakaka-asiwa panga kasi mas gusto ko ang jogging pants at loose T-shirt mas komportable ako sa gano’n na bistahan parang nakakahnga ako ng ayos at nakaka-galaw ng ayon sa gusto ko. Hindi na ako fan ng mga alahas at cosmetic pero par naman mag mukha akong dalaga na normal ng pahid lang ako ng liptint na bigay ni sharina mahilig kasi ito sa mga gano’n. In fairness maganda ang shade bagay sa akin kumikita na talaga ang seller nito mukhang magtatagal ang business nito. Pagkatapos mag ayos ay na-upo muna ako nagdadalawang isip kung lalabas na ng biglang bumalik sa gunita ko ang senaryo bago ako tuluyang makatulog ang mukha ng lalaking nakita ko. Sobra ba akong nahuhulog sa lalaking ‘yun maging bago ako dalawin ng antok s’ya nakikita ko. Kung na iba lang sana ang pagkakataon baka may chance pa. Pero sa totoo lang matagal ng hupa ang galit ko sa kan’ya same lang kami na bata pa ng mangyari ‘yun hindi ko malilimutang trahedya at hindi ko alam kung dapat ba akong magalit o s’ya ang may mas karapatan na magalit. Wala naman akong magawa kaya naisip ko na bumaba hanapin ko sina Mang Leti at Ate Mabel tutulong na lang ako sanay naman kasi ako bonding time namin ni Nana at Tata ang paghahanda ng pagkain agahan man, tanghalian o hapunan. Bigla ko kaagad na miss ang dalawa importante sa akin sana ay nasa maayos naman sila. Pag natapos na ito sila ang una kong hahanapin. Tumayo na ako at gininda ang pinto marahan ko itong binuksan wala naman akong natanaw na ibang tao kaya kinabig ko ito pasara at doon ako halos mapa tili sa gulat ng may magsalita hindi multo pero mas nakakapanindig pa ng balahibo. “Hmmm, Ang bango mo little sis”Ang walang hiya na lalaking ito nagugulat na ng aamoy pa ng leeg kakasabi n’ya lang little sis daw bwiset. Pero bakit parang iba ang hatid sa akin. Nako erase mali hindi tama. Kagad akong nakabawi at bahagyang inilayo ang aking katawan dahil sobrang lapit namin sa isa’t isa. “Oh KUYA! ikaw pala ‘yan. Baba kasi ako para tumulong kina Manang at Ate Mabel”may pagka-sarkastik ako sa pagtawag kon sa kanya na kuya. Biglang nagbago ang mood nito from pilyo to walang emosyon. K’ya nakaisip pa ko ng pang inis dito bahagya ko pang ginawaran ng mapanudyo na ngiti sabay sabi na. “Mauna ko sa baba kuya ko”malumanay at may pang-aakit na sabi ko sabay alis na dahil baka humirit pa ito ay for sure malilintikan na talaga ako. Habang pababa ako ay rinig ko ang maihihinang mura nito. Thank you lord save ang beauty ko. May halong pagmamadali ang pag-baba ko at baka makasunod agad si Rex sa akin isang hakbang na lang nasa baba na ko ng may mga salita mula sa likod ko. Ganun na ba ako ka ukopado at ‘di ko namalayan na nakasunod ‘din s’ya kaagad-agad. “Why in a hurry baby sis?” tanong nito kanina little sis ngayon baby sis pucha naman oh, self ‘wag kang kiligin uso na ngayon ‘yung ikaw ‘yung pinakilig iba naman ang piniling ibigin. “Me! In a hurry?You must be misunderstood. Bakit ako mag-mamadali?wala naman akong tinatakasan o iniiwasan”sabi ko pero mukhang mali dahil bahagyang umangat ang gilid ng labi nito at pumorma ng ngisi. Gosh ang pogi talaga ng lalaking ito nako Lord pag ito ‘di ko talaga kapatid bubukaka na ko 360 degrees, biro lang lord pero p’wede ding totohanin. Ano ba kailan pa ko naging ganito?. Marunong na ako lumandi. “ Aba malamang Hija bente tres kana, limang taong gulang nga may crush na ikaw pa kaya?” bulong ng isang bahagi ng utak ko nabalik lang ako ng magsalita si Rex. “Wala naman akong sinabi na may tinatakasan ka o iniiwasan, ang aking lang baka madapa ka at mahulog. Mabuti sana kung sa akin paulit ulit ang bagsak mo mahal ko”tahasang sabi nito na sabay kindat nito bahagya pa nitong tinitigan ang mukha ko at ngumiti ng ubod tamis. Akalain ko bang ang ngiti nito na minsan kong nakita na ubod na ng ganda may hihigit pa. For sure kulay makopa ang mukha ko ang bilis din ng t***k ng puso ko para bang nagta-tatakbo ako ng ilang minuto. Higit pa ito sa mga unang pagpapakilig nito sa akin mukhang wala ‘din na akong takas ang puso ko ayaw ng kumalma pa. “Una na ako Baby, may date pa ako hindi muna ako sasabay sa dinner n’yo”sabi nito na para bang nanunukso sa akin. Pakialam ko sa date n’ya bwiset kala ko ‘di ako affected pero kanina pa ko tinatama ni Ate mabel sa paggagayat.Dalawang putahe na lang ang naabutan ko na iluluto nila, ang dami naman kami ang naman ata ang kakain wala si Rex. “Kawawa naman ‘yung patatas Adi ‘wag mong tadtarinn sa nilagang baka ‘yan ilalagay. May problema ka ba?”halatang nagaalala ito sa paraan ng pagtatanong. Kaagad ko itong nginitian at ‘di sinagot ang tanong nito bagkus nagbalik din ako ng tanong rito. “Ma mga bisita ba Ate ba’t daming pagkain?”balik kong tanong dito para ‘di na ako kulitiun pa. Nakakainis isipin na may ka date si Rex parang tanga lang ay Imbyerna. Nakatingin ako kay Manang Leti nang magsalita ito. “‘Yung kanina na mga umalis na bisita babalik sasabayan kayong kumain, mukhang mga nahimasmasan na Hija kaya ayan bumalik. Adi maging normal ka lang saka si Rex kasabay n’yo din umalis lang ‘yun baka dumalaw sa puntod ng mommy n’ya.”nanlaki ang mata ko may pa inis inis pa ako mommy n’ya pala so date na sa kanya ‘yun. Na isahan n’ya ko pero teka bakit ba e, wala naman dapat ika inis. Nagpatuloy na kami sa pagluluto mag aalas syete at 7:30 ang dinner na sinet. Umakyat muna ako at nag palit na nag-amoy ulam na kasi ako kaya mag lilinis muna ako. Alam ko na mangyayari sentro ako for sure ng atraksyon mamaya at sana ‘wag umepal si Benida para kayang kaya kong mahandle ang lahat ayokong mag dagdag ng kaaway. Mabilis lumipas ang oras kani-kanina lang ay kumatok na si ate mabel dahil nasa baba raw ang bisita at pinapatawag na ako . Excited ko kasi nag level up ang ayos ko. Pero para saan ba ang pag aayos ko na ito to impress then o para mapansin ako ni Rex. habang pababa ng hagdan kita ko ang mga tao sa baba pero nakafocus ako sa iisang tao lang para akong prinsesa na inaabangan ng prinsipe ko..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD