Dahil hindi ako sumama sa kanila ay inayos ko muna ang mga bagay bagay. Iba ang kutob ka sa purpose ng WEA.
Matapos manggaling doon ay umuwi na muna ako sa bahay namin. Yeah ‘yun ang mas itinuturing ko na bahay.
Bukod sa mag asawa sa Isla ay si Nana at Tata na ang sunod kong naging pamilya. Hindi ko ata kayang tanggapin na isa akong Severillo.
Umaasa ako na mali ang lahat sabi nila kanina mag papa test da kami for paternity test. Duda ako roon alam kong kaya pa rin imanipulate ‘yun ni Benida.
Ayoko man maging bastos pero hindi ko mabigyan ng respeto ang baliw na ‘yun.
Hindi ko rin alam kung anong ida-dahilan ko kina Nana at Tata.
Pero kung hindi ako aalis ngayon pihadong madadamay sila. Hindi ko kaya ‘yun sobra pa sa tunay na anak ang pagtrato, pagkalinga at pagmamahal na ibinigay nila sa akin.
Balang araw ibabalik ko ang lahat ng iyon aayusin ko muna bawat issue sa buhay ko, namin pala ni Rex.
Mula noon pinigil ko ang lahat ng atraksyon o pagsibol ng damdamin na meron ako para rito.
Kahit ako nag dududa kung karapat dapat ba ako mahalin o talaga bang may taong tatanggap sa kagaya ko.
Para akong bote ng mineral water clear nga ang lagayan peo puno naman ng kemikal. Isa akong lason sa buhay. I only want is a life with someone whom I love. Pero napaka ilap.
Halos dumagundong ang kaba sa aking kaloob looban ng marating ko ang harapan ng bahay na naging tirahan ko ng mahabang panahon.
Isipin ko pa lang naiiwan ko ang dalawang tao na naging lahat sa akin ng nagdaang taon masakit, sobrang sakit. But I need to do that.
I know Benida will use them kapag nagpakita ako ng attachment at pagpapahalaga ibibilin ko sila sa ibang kaibigan ko. I won't let anyone, Nasaktan sila.
“Anak! Nariyan ka na pala e,”magiliw na tawag ni Nana.
“Opo kakarating ko lang po”sabi ko naman pilit na ginawang normal ang lahat.
“Oh s’ya pasok na Anak malamok na. Kakain na rin tayo” aya nito sa akin.
Tumungo naman ako. Lihim kong minasadan ang mukha nito bakas na ang katandaan.Hindi naman hirap sa buhay sadyang sa edad na 63 years old ay kita hindi rin ito sanay sa mga kolorete sa mukha.
Sadyang kahit magka gan’on man ay batid na tunay na maganda ito noong kadalagahan. Si Tata naman ay mas matanda ng dalawang taon kay Nana masasalamin ng pagiging makisig nito.
Matangos ang ilong kahit may edad nasa ayos pa naman ang katawan at sa tangkad naman ay 5’11. Halos magulat ako ng sapuhin ni Nana ang noo ko hindi ko napansin na pinto na pala at muntik na kaong mauntog.
“May bumabagabag ba sa’yo Anak?”tanong ni Nana.
“Nana pwedeng makausap kayong dalawa mamaya pagkatapos kuamain?”balik na tanong ko.
“Oo naman Anak, Kung ano man ‘yan ‘wag mo kami ng isipin.
Sakali man na may mga gagawin ka ipaalam mo lang Anak susuportahan ka namin.
Alam namin na darating ang panahon at haharapin mo ang mga naiwan mo sa nakaraan.
Nauunawaan namin ‘yun Anak basta tatandaan mo may tihanan kang babalikan maghihintay si Nana at Tata sa pagbabalik mo.
Kapag suko kana narito kami pero pag kailangan pang ilaban lumaban ka anak dahil natatapos lang ang laban at pausad pag huminto ka at bumitaw”Mabang sabi nito punong puno ang puso ko ng saya at pagmamahal.
Hearing those words alam ko talikuran man ako ng lahat may uuwiaan ang tulad kong lagalag.
“Oh! Nandyan lang pala kayo naghain na ako kumain na tayo mamaya na ituloy ang usapan” Masiglang sabi ni Tata. Nginitian ko ito at kagaya ng dati kininditan ako nito na ikinailing naman ni Nana.
Masaya kaming kumain ng hapunan na iyon. Sa mga nakalipas na taon ganito ang hapunan na kinasanayan ko.
Biruan naming tatlo kung tutuusin nga’y dapat tahimik kami pero iba masaya.
Sa piling nila naging totoong tao ako may mga lihim pero naibahagi ko ang lahat ng saloobin sa ibang bagay.
Matapos ang hapunan ay nag prisinta ako na s’yang magliligpit agd naman ding pumayag sila.
Habang nagliligpit ako ng kinainan namin lumapit si Tata sa akin may ngiti ito pero masasalamin ang pag aalala at lungkot.
“Anak, Kung sakaling sa pupuntahan mo puro sakit, lungkot at panganib lang ‘wag kang magdalawang isip na bumalik sa amin. Buong puso ka naming tatanggapin mahal ka namin ng asawa ko bilang tunay na anak o papasang apo na nga” buong puso na abi nito na hinabulan pa ng biro.
“Ayoko po sana na iwan kayo, Pero kailangang harapin ko rin po ito. Kung mananatili po ako rito mapapahamak kayo at ayokong mangyari ‘yun.
Kayong dalawa ni Nana ang isa sa mga nagbigay ng halaga, kulay at kulang sa buhay ko. Hindi ko kakayanin kung may isa sa inyong mapahamak dahil lang sa akin. Binabalikan na po ako ng aking nakaraan Tata ayoko na kayong mga mahal ko ang magiging kapalit ng pagsalungat ko sa kan’ya” halos hindi na maampat ang luha ko.
“Noon pa naman alam ko ang ginagawa mo anak. Ikaw pa ba kayang kaya mo ‘yan ‘dib team leader ka. ‘Wag kang mag alala anak pag alis mo ay aalis rin muna kami rito para hindi kami sagabal o dagdag isipin mo. Poprotektahan ko ang Nana mo at ang pamilyang na buo nating tatlo mag-ingat ka anak.
H’wag mong hayaan kainin ka ng takot sabayan mo lang at matuto kang sumugal kung sa tingin mo ay may laban ka. Sana balikan mo ang matatandang ito maghihintay kami”mahabang sabi nito na damang dama ang katotohanan.
“O~opo b~balik pon ako ng buong buo. ‘Yung totoong ako na po kasi kahit po ako hindi ko alam kung anong totoo. Sa panahon na kasama ko kayo ‘yun lang ang baon kong pag aari kong alaala na walang peke. Stay safe Tata babalik po ako alam ko po ang daan papunta sa’inyo ni Nana”Hikbing sabi ko.
Totoong totoo ang lahat ng binitawan kong salita sa kanila ko natutunan na mag mahal ng tama.
“Mahal, Ang sabi mo kakausapin mo lang ang anak natin. Oh, Bakit naiyak na ‘yan?”singit ni Nana. Hindi ko namalayan na narito pala s’ya.
“Binibilinan ko lang naman. Mahal handa na ba ang mga gamit natin?”tanong ni Tata.
“Oo Mahal, Kasabay ng pag alis ni Misha aalis na rin tayo”sabi ni Nana.
“Anak mag-ingat ka ah, HIndi ibig sabihin umali kami ng Tata mo pababayaan ka namin. Binabawasan lang namin ang magiging isipin at problema mo. Mahal na mahal ka namin” buong pagmamahal na paliwanag ni Nana.
Matapos ‘yon ay nag yakapan kami mapapantag ako umalis dahil alam kong pupunta sila kung saan ligtas. Pasusundan ko ang mga ito sa kaibigan ko para mas mapanatag ako.
Nang gabi na ‘yun ay tabi tabi kaming natulog masaya ako na sa mga taong ito ako napadpad tama ang pagpili ko.
Magaan ang loob kong nakatulog may baon akong alas pagsabak ko sa mundo ng gulo. Maaring lahat ay husgahan ako pero silang dalawa hindi kahait pa alam nilang balot ako ng sikreto at gulo.
“Lord, Salamat sa gabay muli hiningi ko ang ‘yung tulong at biyaya para sa mga susunod pang araw, linggo at buwan. Gabayan mo ang dalawang ito na lubos akong tinangi.
Goodnight Lord.”Matapos usalin ang panalangin magaan kong pinikit ang aking mata.
Isang tapik ang nagpagising sa akin ang nakangiting mukha ni Nana ang bumungad sa akin mukhang handa na ang mga ito samantalang ako’y babagong gising palang.
“Magandang umaga anak. Bangon kana alas tres na maaga ang alis namin kaya sana sabay na tayo umalis sa bahay.”May ngiti sa labing sabi nito pero dumaan ang lungkot sa mata.
“Opo sabay na po tayo”pagsang ayon ko mabilis ang kilos na naligo ako at na bihis.
Paglabas ko ay ako na lang pala ang hinihintay sinabi nila sa akin na sa labas na lang kami mag almusal may mga fast food naman na 24 hours.
Sa maynila kami mag hiwa-hiwalay ng matapos kaming mag-agahan isang matamis nangiti at mahihigpit na yakap ang pabaon sa isa’t isa.
Wala ng salitaan pinili ko na tanawin sila habang papalayo magpapatuloy ako para mabalikan ko sila agad.
Samantala….
Namutawi ang lungkot sa mukha ng mag asawa pinili nilang lumayo upang hindi na maging alalahanin pa.
Gano’n kahaalaga sa kanila ang batang inaruga alam nilng balot ito ng sikreto at lungkot. Sa mga nagdaang taon hindi lang buhay ni Misha ang nag bago maging ang kanila nagkakulay ito nabuhayan muli sila.
Ang ilang beses na pagkawala ng anak nila habang pinagbubuntis pa ay naging dahilan kung bakit wala silang anak.
Para sa kanila biyaya ng panginoon ang pag dating ng bata. Ngayon na may kinahaharap ito ay hindi sila daragdag pa sa magiging alalahanin. Naniniwala silang makakayanan ito ng Anak nila.
Hindi lang sa dugo ang basihan ng paggiging pamilya. HIndi man nanggaling sa sinapupunan ng kanyang asawa o maging produkto ng kanyang semilya si Misha .
Pero para sa kanilang dalawa sila ang nagsilang nito sa puso. kung minsan mas mahusay pa nga ang pagsilang sa puso.
Baon ag paniniwala at pagmamahal maninirahan muna sila sa probinsya na kahit si Misha ay hindi alam.
“Ang kaligtasan mo Anak ay dalangin namin ng iyong Nana”bulong sa hangin ng matandang lalaki.
“Babalik ako Nana at Tata”sabi ko habng tinatanaw ang taxi na sinasakyan nila..