TUB-13

1503 Words
Hindi ko na matanaw ang dalawang tao na halos umaruga sa akin ng walang kapantay na pagtanggi. Alam ko na matatagalan pa bago ko ulit sila makita. Ang mahalaga ay maging safe sila. May kailangan lang ako kausapin bago simulan ang mga plano ko sa buhay na pilit ibinibigay sa akin. Hindi ako kumbinsido na kapatid ko si Rex alam ko at namulat ako sa mga plano ni Benida para makapasok ang pamilya ng mga Severillo. Sa larong inumpisahan nila mashuhusayan ko pa. Imbis na puntahan ang address na binigay ng Mama Benida ko daw ay mas gusto ko makausap ang magiging kaalyado ko sa laban na ito. Susugal ako sa mga taong alam ko nagmamalasakit para sa taong pinoprotektahan ko. Sa isang simpleng coffee shop kami nagtagpo ng tao na kakausapin ko. Ang weird ng coffee shop na ito pero ok na din bagay sa pangalan ang tema ng lugar Distant Coffee Shop. Nabigyan naman ng coffee ng hustisya ang pangalan nito. It seems that this place is really good for private meetings. Inilinga ko ang mata ko maaga pa naman. Napaaga ako sa usapan namin ng katagpo ko hindi ko alam kung paano ko pakikitunguhan ito. But one thing is for sure I need to convince this person to help me. No! scratch that.To help us. Kailangan ko ng kapanalig sa larong isang beterana ang nag umpisa. Higit na kailangan ko ngayon ng matibay na kasangga at sandalan dahil mabigat ang laban na inihahain sa akin ni Benida. Hindi na ako ang batang kayang kaya n'yang bilugin at utuin makuha ang lang ang pagtanggap kong minimithi. Lumipas pa ang 20 minutes nakita ko na ang taong hinihintay ko. Kaagad akong tumayo at bumati sa tao. “Magandang umaga!” bati ko sa taong hinihintay ko. Nakaka intimidate talaga ang taong ito. “I’m already 23 years old but my friends or other people believe that I’m just 21 years old. Ano nga bang totoo sa akin? Meron nga bang totoo sa pagkatao ko?”piping bulong ko habang minamasdan ko ang kaharap ko ngayon. “Goodmorning, Mukhang na paaga ka sa usapan natin?”bati nito na sinundan ng tanong. “Yeah, Sumabay ako sa kinilala kong parents umalis” totoong sabi mko rito. “Umalis sila?But why?Are you not capable of fighting back?”tanong nito na parang nang uuyam. No hindi parang nang uuyam talaga. “Of course, I can. But they choose to go to a place na tingin nila safe sila. Ayaw nilang dagdagan ang alalahanin ko. That’s how they’re show how much they love me”puno ng pagyayabang na sabi ko. Kita ko ang pagtaas ng sulok ng labi nito at mapaglarong ngiti nito . “How about you?Ano ang kaya mong gawin for the sake of your love once?Kaya mo bang umalis at hintayin ang tamang panahon”muling tanong nito na para bang may ibig ipunto. Napukaw lang kami ng may lumapit na waitress at doon lang namin napuna na hindi pa kami nakaka upo pero naka ilang palitan na kami ng salita at tanong. “Ma’am/Sir pwede po kayong umupo, And pwede ko rin po bang makuha ang order n’yo?”sabi ng waitress. “Oh sorry, yes we wil..”Naputol na ang sasabihin ko dahil sumingit na ang taong kanina lang pinupukol ako ng samut saring tanong,. “Did you know that butting in is not a good thing?And Hell yeah, We know that na pwedeng umupo and hindi ka ba makapag-antay na tumawag o tawagin ka?”tuloy tuloy na sabi nito. KIta ko ang pagkapula bigla ng mukha ng waitress this person is rude. Oo nga mali itong waitress pero pwede naman na palampasin na. Pero ang g*ga din ng babaeng ito akala ko sa mga sinabi ng kasama ko na pamamahiya na mula pero hindi. Dahil titig na titig ito sa kasama ko. Naupo na kami ng at nag order para matapos na ang papel ng babae dito. Same black coffee pareho kaming kaka kain palang. Mabilis din naman nadala ang order namin at talagang apektado s’ya sa kasama ko. Kaagad kong binuksan ang topic about kung bakit ako lumapit dito at kung anong mga pabor ang hihingiin ko na parehong pabor sa both side namin. “I want you to help me, kailangan ko ang koneksyon, kapangyarihan mo at proteksyon”daretsong sabi ko sa taong kaharap at mukhang namangha naman ito sa akin sa pagiging prangka. “Did you expect na tutulungan kita?Give a valid reason para tulungan kita”mapang udyok na sabi nito. “I need to protect those people I love. Hindi ko kaya na muling mawalan. Pero hindi ko kayang manloko muli para lang hindi sila masaktan o mapahamak”buong puso na sabi ko. “Yan lang ba ang dahilan mo?Pwes! I won't help you, Mababaw masyado”Tahasang sabi nito. “Mababaw ba?Papalalimin ko. Alam kong wawasakin lang ng babaeng ‘yun ang buhay at pamilya Severillo. Hindi ako papayag na gawin n’ya ‘yun hindi ko sasaktan ang lalaking malaki na ang bahagi sa aking puso. Hindi ako naniniwala at hinding hindi ako papayag na maging kapatid ko si Rex!?!”buong tapang at galit kong sabi. Mukhang natigilan ang lalaki. Nakuha na ata nito ang punto ko. Unti unti pang nagbago ang mukha nito ang kaninang may pagka pilyo ay naplitan at naging mapanganib. Alam kong pinapahalagahan nito si Rex. Alam na alam kong nasa tamang tao ako lumapit. “What help do you need?”buong tatag at lamig na tanong nito. “Please conduct a DNA test between Rex Dad and me. Sa akin rin at kay Rex. Kay Rex at sa Dad n’ya. Please make sure na walang sasabutahe sa DNA at sana tayong dalawa ang may alam. If the result is negative, can you keep it for a while?. Babalikan ko ‘yan pag-kailangan na at sa tamang panahon. One more thing and the most important is don't let Rex destroy himself by the time na nagkakagulo. May mga dahilan at bagay na dapat maganap para mahinog ang bunga sa ‘tamang panahon at oras. Kapag kasi kinuha ng pilit kalimitan ay mapakla na masim pa at nagiging sayang lang dahil patapon. I hope you get my point. Kapag ukol s’yang bubukol.”Mahabang sabi ko na nahaluan pa ng ibang katalimhagaan. “I know what to do! "sabi ni to na kumpyansa pa. " Ngayon palang salamat. Hindi ko gustong may masaktan pero kahit anong gawin at piliin ko may masasaktan at madadamay. Sana lang hindi s'ya mapagod hindi n'ya ko sukuan."Pakiramdam ko sa taong ito na kausap ko nakahanap ako ng sasalo ng ibang bagahe na dala dala ko sa loob ko. " I'm watching, Lady. Hindi komo tutulungan kita ay tiwala na ako sayo. Sa mundong puno ng pagbabalatkayo, tuso at mapanukso wala kang dapat pagkatiwalaan kung hindi ang sarili mo. Sa bangkang lulubog kapag sinagip mo ang iba at nag bida bida ka ikaw lang ang unang papanaw gano'n din sa laro dito sa totoong buhay na ang tanging matitira ay 'yung mahuhusay at lumalaban ng lamunan."Napakatatag na sabi ni to wari' y isang aral o inaaral pa ako para mas maging handa sa haharapin ko. " Alam na alam ko na ang galawan na'yan k'ya nauunawaan ko ang lahat. Para sa kagaya ko na buong buhay ko hindi ko alam saan ba sa parte nito naging totoo o dikaya may katotohanan ba ni isa dito?. Gusto ko mang mamuhay ng simple kalimutan ang nakaraan at takasan hindi ko magawa binubuntutan pa rin ako."Pakiwari ko itong taong kausap ko alam n'ya kung ano ang nasa loob ko. " Mahal mo ba s'ya? Kaya mo bang ibigay ang buhay mo kapalit ng kan'ya?"tanong nitong muli. " Hindi ko alam kung pagmamahal ba 'yung nararamdaman ko pero kung sakaling uulan ng bala, handang handa akong gawing bulletproof vest ang sarili ko' wag lang s'yang tamaan at masaktan. He doesn't deserve that. Kung hindi ito pagmamahal para sayo, Ano ito? "Mahabang sabi ko at confuse na tanong. " Baka nga pagmamahal na 'yan. Kung gan' yan ang nararamdaman mo sa kanya ibibigay ko ang tiwala ko sayo at lahat ng kailangan mo. But make sure to stay alive. Ayoko ng kaibigan na literal na sira ulo at magiging boarder ng mental" seryosong sabi nito kahit ang huli ay parang rumehistrong biro. Natapos ang usapan namin at naging maganda ang lahat bawat plano at aking hinala ay sinabi ko rito. Gagawa s'ya ng paraan para tuklasin ang lahat at bigyan ng linaw. Naghiwalay na kami ng daan hindi ko alam paano ko sila haharapin? sila nga ba o si Rex ang iniisip ko paano ko s'ya matatagalang kasama sa iisang mansion. Alam ko na may sarili naman itong bahay at condo. Pero napag-usapan na mamamalagi kaming "Pamilya daw" sa isang bahay. "Let the bahay bahayan begins.. Sino ba ang nanay at tatay? Bahala na! gosh na tetense ako sana walang abirya"bulong ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD